Chapter 6

553 14 2
                                    

Warning: R18. Proceed with caution.

***

JASMINE

Hanggang dito ba naman?

Kaya nga ako iinom para magbawas ng stress. Pero bakit parang hanggang inuman mas-stress ako?

"Bakit may sabit ka?" Tanong ni Minerva na kararating lang.

Kaya kinwento ko naman kung bakit kasama ko 'tong mga asong may sa-unggoy. 

Why bitchy monkeys?

Well, first of all, they think that they're savage when in reality, they're like bitches that just tries to intimidate people by barking. Sila yung tipong mahilig mang-provoke verbally pero kapag na-provoke yung inaaway nila, biglang magiging tuta. At unggoy dahil 'tong mga epal na 'to, hilig sumabit sa mga lakad na hindi naman sila imbitado. In layman's term, mannerless.

Kasalanan din 'to ni Genesis eh. Lakas ng boses eh, narinig tuloy ng mga bruha na magc-club ako.

And all I could do was give Alexis apologetic looks whenever May was 'accidentally' touching her boyfriend's thighs while getting a drink. Mukhang malapit na nga ma-tempt si Alexis na pukpukin sa ulo gamit yung boteng walang laman si May. Nakipagpalit na ng pwesto sa boyfriend eh.

Moments and shots later, akala ko tinamaan na ako kasi nagha-hallucinate ako na may nakiupo sa table namin. Sina Zac, Morris, Kurt, at Atty. David. Pero wala pa naman pala akong tama. Nandon pala talaga sila.

Tiningnan pa ni Alexis si Minerva kaya nakitingin na lang ako at kumibit balikat si Minerva.

Hindi ko gets kung para saan 'yon pero oo na lang.

Iinom na nga lang sana ako pero naalala kong hindi pa nga pala lipas yung time frame sa paghilom ng fractured rib kaya sinigurado kong walang ininom na painkiller 'to si Zac.

"Pagiging walwalera pinunta ko rito. So you better not make me do doctor work outside working hours," sabi ko at kumuha ng bagong shot.

The drinking game was pretty fun although I had to make myself blind from Alexis and her boyfriend's flirtatiousness beside me. And I don't know how many bottles we downed but I guess I can still walk properly, at least I think, when I got to the dance floor.

Sa totoo lang, pagkatapos ko umalis sa upuan namin at pumunta sa dance floor dahil nasusuka ako sa landian nina Alexis at jowa n'ya tapos kay Kurt at May, hindi ko na alam yung nangyayari. Basta ang alam ko na lang, I was making out with a random guy from the dance floor.

I didn't even notice that I was almost out of the club until I no longer felt lips dancing with mine and hands groping around my body.

"Tang ina lasing ka na nga."

"Sure ka?" Natatawang tanong ko.

"Jasmine asan susi ng sasakyan mo?"

"Hulaan mo," nakangiting sabi ko sabay natawa.

"Gan'to ka ba tuwing nalalasing ka?"

"Oo?"

Anong sabi n'ya?

"Wala ka bang dalang bag? Nasaan susi mo hoy?"

Napakapa naman ako sa bulsa ng pants ko bago napakibit balikat kay Zac...ata. Kaboses eh.

"Anak ng tokwa 'tong babaeng 'to. Hanggang ngayon, lasing kung lasing uminom."

"Oh! Nasa 'yo naman pala susi ng sasakyan ko tapos ako pa tinatanong mo," nakasimangot na puna ko.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now