Have and Will, Always

1.7K 26 6
                                    

Ano ba 'tong pinasok ko?

Hindi ko alam kung ilang beses ko na nasabi 'yan. Dagdag pa yung ayoko na, magd-drop na ako pero wala. Nandito pa rin ako. Naghihirap sa pinili kong gawin, kaya kasalanan ko rin 'to.

Kung bakit naman kasi napaka-indecisive ko minsan eh! Sa dinami-daming time na pwede akong maging indecisive eh talagang panahon pa ng application period sa mga colleges. Ni hindi ko na maalala kung bakit biology napili kong course. Ayun nganga tapos ngayon napasabak ako sa med school.

"Anak, gising ka pa?"

Umangat yung tingin ko mula sa mga nagkakapalang libro. Hindi na ako nagulat nang makitang naka-scrubs pa si Mommy. Madalas naman na makita ko silang gan'yan ni Daddy. Sa kagustuhang makauwi agad eh minsan di na nagpapalit ng scrubs. Diretso uwi na ganon, minsan nga 'di pa nila napapansin na may dugo pa scrubs nila.

Buti hindi sila nagco-commute. Baka napagkamalan pa silang may tinegi.

"May quiz at practical kami bukas eh." Sagot ko.

Short quiz daw sabi ng doctor na teacher namin sa med school. Maikli nga, mga 15 to 20 items pero hindi one point each.

"Uuwi ba si Daddy?" Tanong ko.

"Hindi, kasisimula lang ng surgery non. Aakyat na 'ko, i-double check mo kung naka-lock ba yung gate bago ka matulog."

Wala pa ako nasasabi eh umakyat na si Mommy kaya napangiwi na lang ako. Kasi naman, binanggit yung salitang 'tulog'! 'Di ko nga iniisip para 'di ako antukin tapos ganon-ganon lang?

"Ayos ah, parang araw-araw na kitang nakikita nag-aaral."

"Kuya, tumahimik ka kung ayaw mong ma-headshot ng isa sa mga librong 'to." Banta ko kay Kuya. "Kapag ako bumagsak sa revalida, makikita mo."

"Luh, chill ka lang. 'Di mabi—sabi ko nga, good bye."

Sinundan ko talaga si Kuya ng tingin hanggang sa makaalis s'ya sa dining room. Kaya nga ako lumipat dito sa dining kasi ang ingay ng isa pa naming kapatid kakalaro ng online games n'ya tapos s'ya naman pupunta rito para mag-ingay?

Honestly, I really wanted to drop out of medical school, first year pa lang. Ang hirap eh! Alam naman ni Mommy at Daddy na susubukan ko lang med school. Si Daddy nag-suggest non kasi dati, wala talagang ganon ka-interested sa medicine sa aming tatlo. Si Kuya ang kinuhang course eh architecture tapos yung maingay eh IT. Tapos ako magandang friendly na medyo brainy. At ayun, hindi talaga alam gustong gawin sa buhay.

"Mommy, hours before your surgery hindi ka muna pwede kumain o uminom ha?" Paalala ko sa pasyente ko.

At dahil first time ma-surgery ng pasyente kong 'to, in-expect ko na yung mga tanong. Lalo na ng asawa at anak n'ya. Matapos 'yon ay umalis na ako sa private room nila.

In the end, naging doktor din ako. Pero hindi ako nag-internship at residency sa ospital namin. Mahirap na, baka ang mangyari eh imbis na turuan ako eh paburan ako dahil anak ng may-ari. Hindi ko alam kung nasayangan lang ba ako sa ginastos sa tuition sa pagpasok ko sa med school o na-realize kong sayang yung 8 years ng buhay ko ng focused dito. Baka yung first time na nagamit ko yung naturo sa amin.

Ewan, pero ang mahalaga eh ngayon gusto ko na yung ginagawa ko. Kahit na wala na atang gabi na 8 hours yung tulog ko.

Dumaan muna ako sa nurse station para ibalik yung medical chart ng pasyente ko. But I ended up grimacing upon my arrival. May nilalandi na naman si May na companion ng isa sa mga pasyente.

Hayup.

"Doc, may ibang chart ka pang kailangan?" Tanong ng nurse na nakakuha ng atensyon ko.

"Wala na." Sagot ko. "I-page n'yo na lang ako. Matutulog muna ako."

Akala ko makakaalis na ako para pumunta sa on-call room, kung saan natutulog yung mga naka-duty na doctors and nurse. Pero may bruhang tumawag sa akin, si May.

"Uy Doc, saan ka pupunta?"

"Matutulog. Sila Krisha at Steff?" Tanong ko dahil halos laging magkasama yung tatlo.

"May surgery sila."

"Okay." Yun na lang sinabi ko at umalis.

Wala akong energy na patulan kung ano mang kalokohan o kalandian nila. Aba 'wag ngayon lalo na at hindi pa ako nakakatulog!

Kaya ayon nga, natulog ako sa on-call room at thank you Lord dahil hindi ako ginising ng kahit sino. And since patapos na rin yung duty ko, nagpalit na ako ng damit. Nagpapaalam na ako sa mga katrabaho ko nang biglang bumukas yung pinto sa emergency room.

May iilang first aid responders na nagp-pump ng air at mukhang naglalagay ng pressure sa sugat ng kung sino man ang nasa stretcher ngayon.

"Doc. Jas!!!"

Palabas na sana ako ng ospital pero ayon, may narinig akong tumatawag sa akin. Kaya nilingon ko.

"Oh, bakit?" Tanong ko.

"Paalis ka na?"

"Obvious ba?" Tanong ko. "Joke lang, bakit?"

"Walang available surgeons, doc. Mga hindi makakarating on-time o mga nasa sariling surgery din. Tapos yung pasyente ni Doc. Genesis—"

Napabuga ako ng hangin at pinakinggan yung sinasabi ng nurse. Kaya naman napamasahe na lang ako sa ulo ko.

"Okay, ako na. Itawag n'yo na lang kay Doc. Genesis at ihanda yung operating room." Buntong hininga ko.

Nagmamadali namang lumakad paalis yung nurse, para siguro gawin yung sinabi ko. Ako naman, lumakad pabalik sa locker room para magpalit ng scrubs.

At habang naglalakad ako papunta sa operating rooms ay nakita ako ng nurse kanina na ipinaliwanag yung chart ng pasyente ni Genesis. Sinimulan ko namang itali yung buhok ko at pagdating sa scrub sink, I breathed out.

Time to work. 

***

Date Started: May 2020
Date Finished: April 11, 2021

Hi! This is the second installment of the Diallogus Series. And as you have read, our second Diallogus Woman is a surgeon. So, wala akong kilalang surgeons personally. At yung basis ko sa medical stuffs na mababanggit dito is mostly research with some inspiration from medical KDramas and Grey's Anatomy. Kaya if ever na may magbasa nito na medically inclined or knowledgeable at may makita na mali sa naisulat lo, do reach out to me so I can correct it.

I don't want to misinform anyone so please correct me if I'm wrong.

I'll be publishing chapters probably once nasa kalahati na ako sa drafts. Just putting this out here para mapush na ako isulat to.

Twitter: daerinniewp

***


Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWo Geschichten leben. Entdecke jetzt