Chapter 12

523 16 0
                                    

JASMINE

"Tang ina naman oh," bulong ko.

Ilang store na naiikutan ko pero wala pa rin akong mapiling pangregalo kay Zac. Kung bakit ba naman kasi ang hirap regaluhan ng isang 'yon. Yung safe bet gifts for men ko like bracelet eh nang s-in-earch ko eh bawal daw sa uniform code ng mga nasa navy. 'Di pa ako sure kung tama ba nakita ko, kung tatanungin ko si Zac edi nalaman na n'ya kung ano ireregalo ko.

Kung panyo naman parang exchange gift lang sa high school Christmas Party. Tsk. No choice, I need reinforcements.

"Hi! Bakit napatawag ka?"

"Clairene anong magandang pangregalo sa lalaki?" Agad na tanong ko.

"Suit?"

"Clairene, hindi pumoporma ng pang-New York Fashion Week yung reregaluhan ko."

Kinailangan ko pa sabihin na nasa navy nga si Zac at mukhang may restrictions sa dress code nila. Kasi nag-aaral sa isang fashion school sa New York 'tong si Clairene at may part time job din doon. Which actually made sense for her fashion suggestions to be quite fancy since she's worked on models who walked the runway for Fashion Week. It's also why I asked her specifically.

"If you really want something that this guy can take kahit na bumalik na s'ya sa service n'ya, I think a ring is a safe bet. May dog-tag necklace sila and they can put a ring there or something."

"Uh...okay. Thanks. Kailan next na uwi mo?" Tanong ko at nagsimulang maglakad para humanap ng store.

"Not sure eh. Magre-release kasi ng bagong collection yung brand namin. Though, sino pagbibigyan mo?"

"Childhood friend. Birthday eh. Pero magsabi ka agad kung uuwi ka."

"Naman. Last time na 'di ako nagsabi muntik na ako batuhin ni Alexis nung makapal na law book n'ya."

Narinig ko naman na tinatawag si Clairene kaya nagpaalam na ako saka binaba yung tawag. Tutuloy na nga sana ako sa paghahanap ng regalo kay Zac pero nagpapansin yung tyan ko kaya kumain muna ako.

Sa isang ramen place na ako kumain kasi mga 2AM pa ata huling kain ko. Tapos lunch time na ng mga taong permanent schedule ang 9 to 5 sa trabaho. Habang kumakain ako eh para akong tanga na sa pinagse-search ko sa Internet. Wala kasi akong maisip na klase ng ring na bibilhin.

Para kasing mas madaming singsing na meant for women eh.

Wait. Shet oo nga ano?

Naibaba ko naman yung cellphone ko at binilisan ko kumain—nabilaukan pa nga ako. Buti na lang walang tao sa mga table na malapit sa akin. At pagkaubos ko ng ramen ko, lumabas na ako at inisa-isa yung jewelry stores. At buti na lang!

"I'll take this one," sabi ko at tinuro yung silver ring na may anchor design.

Sinukat ko pa nga sa hinlalaki ko kasi malaki yung kamay ni Zac. Mas malaki pa ata sa mukha ko. 'Di ko sure kasi hindi na n'ya ginagawa yung hinahawakan n'ya 'ko sa mukha tas aalugin. Subukan lang n'ya gawin sa 'kin 'yon ngayon. Ii-intubate ko s'ya na wala sa oras.

Tiningnan ko yung price ng singsing at kinuha na lang yung credit card ko. Habang pino-process naman yung payment eh sinabihan ko yung utak ko na ilagay na sa pinakamalalim na parte ng utak ko yung price ng singsing.

Buti na lang hindi na pinapakialaman nina Mommy at Daddy yung cards ko.

"Hoy. Bangon."

May kung anong nilalang na umaalog sa akin sa kama kaya naman sinipa ko agad. Babalik na nga lang sana ako sa pagtulog kaso may narinig akong umaray tapos may kasunod na mura. Kaya napabangon ako bigla at naalalang birthday nga pala ni Zac!

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now