Chapter 3

761 15 1
                                    

JASMINE

Buti na lang talaga binasbasan ako ni Lord ng gift of being friendly. Kung hindi nabato na kaming pito rito.

Kung bakit ba naman kasi ang kapal ng mukha ng Cruz na 'to na mag-imbita para kumain sa iisang kainan. Mas makapal pa sa mukha ng mga taong kilala ko na makapal mukha. At ewan ko kung sadyang nahawa ako sa pagka-judger ng ibang kaibigan ko pero may kung anong nakakakilabot sa isang 'to.

"So, Atty. Ayano, tahimik ka talagang tao?"

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko at nagkatinginan pa kami ni Alexis. Pareho kaming nagkasalubong yung kilay.

"Oh yeah. I've always wondered how you are out of work," sabi pa nung boss ni Minerva.

"'Yan tahimik?" Natatawang tanong ko habang nakaturo pa kay Minerva.

"You should see her drunk!" Dagdag ni Alexis kaya natawa ako lalo.

Akala ko nga magkakaungkatan pa ng kagagahan ng isa sa amin kapag lasing. Buti na lang hindi. Kasi syempre hindi ko aatrasan 'yon ano.

Problema lang naman eh, kung magkakakumparahan ng dami ng kagagahan, talo ako ron. Si Minerva ba naman yung madalas na 'di ganon kalasing kapag nag-iinuman kami. Luge akong madalas wasted pag umiinom sa labas.

Medyo normal naman yung lunch kahit na muntik na ata maging Hulk si Alexis at Minerva. Gusto kasi ni Kurt na s'ya na lang magbayad.

Like hello?!

Masaya malibre pero kapag kakilala mo talaga. Kung kahit sino sa Diallogus 'yan, syempre game ako. Eh hindi, nakakahiya rin ano.

"Doc Jas."

Nahinto ako sa pagu-update ng charts at may ngiti kong tiningnan yung nurse na tumawag sa akin. Tinanguan ko lang yung mga sinabi n'yang mga pasyente kong tiningnan n'ya habang wala ako during surgery at lunch time.

Buti na lang talaga ilang blocks lang layo ng mall na kinakainan namin sa Andromeda.

"Ako nahihirapan sa 'yo."

"Huh?" Tanong ko sa nurse na nakaupo sa station kung saan nagu-update ako ng chart.

"Palabas-labas ka pa ng lunch time eh pwede ka naman sa cafeteria kumain."

"May ayaw ako makasabay eh," sabi ko na lang.

"Ah. Sina Doc. May, Doc. Stef, at Nurse Krisha?"

"Nakuha mo," sabi ko at tinuro pa s'ya gamit yung ballpen at natawa s'ya.

Nang sumapit ulit yung oras ng rounds ko, kasama ko ulit yung mga intern. Usual lang naman yung rounds at buti na lang hindi ito yung tulad ng ibang araw na biglang may magco-code blue or what.

Wala na rin akong surgery at yung post-ops ko mga intern tumitingin. Kaya nag-update na lang ako ng chart sa loob ng office na nasa likod ng bawat nurse station.

Hanggang sa may pumasok na nurse at sinabihan akong may outpatient ako.

Binalik ko muna yung chart sa pinanggalingan non bago pumunta sa locker room ng residents. Nag-retouch lang ako saka pumunta na sa outpatient hall at pumasok sa sinabing room ng nurse.

"Hmm...sorry for making you wai..."

Pagkabasa ko sa pangalan na nasa clipboard ay napatingin nalang ako sa kama na nasa kwarto. Kung saan nakaupo si Zac habang magkakrus yung mga braso at mukhang bagot na bagot.

"Himala, pumunta ka talaga," sabi ko na lang.

"Kung ikaw ba naman inambahan na hahatawin ng mainit na kawali, 'di ka ba mapapasunod?"

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now