Chapter 30

740 11 4
                                    

Warning: R18. Minors are highly discouraged from consuming sexual content because this book is not an avenue for sex ed.

JASMINE

Pagkalabas namin ng immigration sa Suvarnabhumi Airport, una naming ginawa ay ipapalit yung Peso bills namin into Baht tapos bumili ng sim card at i-save yung contact details ng isa't isa. Ine-expect ko ng sasakay kami sa shuttle na madadaanan yung na-book kong hotel dito sa Bangkok pero nagulat ako nang paglabas namin ng airport ay may nilapitan si Zac na nagbigay sa kan'ya ng susi.

"May kilala ka ba rito sa Thailand?" Tanong ko nang makasakay na kami.

"Si Brendon may kaibigan dito at pinagkakitaan yung koleksyon ng sasakyan."

Natawa naman ako sa sinagot n'ya at saglit n'ya akong tiningnan bago binaling sa daan yung atensyon n'ya ulit. Sinusundan lang n'ya yung instructions ng app papunta ron sa hotel.

"'Yan kasi, bili nang bili ng sasakyan 'di naman magagamit lahat," sabi ko.

"Agree pero pabayaan mo yung tao sa trip n'ya. Pera naman n'ya 'yon."

"I know."

Pinag-usapan lang namin yung mga pupuntahan namin at kung ano uunahin. Inakala pa nga ni Zac na nag-avail na lang ako ng tour pero ayun sinabi kong hindi dahil alam kong ayaw naman n'ya.

Medyo traffic kaya natagalan kami bago nakarating sa hotel pero buti na lang hindi pang-EDSA yung traffic. Nang nag-check in kami sa hotel, napangiti na lang ako nang pilit dahil nalimutan ko sabihin kay Zac na iisang room lang yung b-in-ook ko.

"1 bedroom?" Tanong ni Zac nang makapasok na kami sa deluxe room.

Suite nga sana kaso bakasyon lang naman at may b-in-ook akong villa sa may Pattaya.

"Sorry," sabi ko na lang, "akala ko okay lang sa 'yo."

"Okay lang sa akin. Nagulat lang akong okay lang sa 'yo."

"Sure ka ba?" Paninigurado ko dahil parang nagpipigil s'ya magsalita. "Something's bothering you," puna ko.

Binaba ko naman yung gamit ko at nilapitan s'ya saka pinaharap s'ya sa akin.

"I still don't feel good about your grad party. You were drunk and—"

"And so were you," putol ko sa sinasabi n'ya. "If you're concerned about consent, just know that if I didn't want to do it, I would fight, even if it was you. Anyone, no matter how drunk they are, will fight back if they're being forced to do something they don't want. And I trust you, okay?" I assured him.

I wanted to tease him that this is so not like him, to be unsure of something. But seeing how his shoulders relax and how he held my hand to rest his cheek on it, I decided not to.

Jas, the Zac in front of you is not just your childhood friend, he's now your boyfriend, I reminded myself.

Napabuntong hininga naman ako na naging dahilan para tingnan n'ya ako. Isang tipid na ngiti naman ang binigay ko bago pinalibot sa leeg n'ya yung mga braso ko. Kinailangan ko pa tumingkayad dahil ang tangkad ni Zac.

Para naman akong nakahinga nang maluwag nang maramdaman kong pumulupot yung isang braso n'ya sa bewang ko at yung isang kamay n'ya ay naramdaman ko sa balikat ko. Kasunod non ay naramdaman ko yung pagdampi ng labi ni Zac sa balikat ko.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Zac habang magkayakap pa rin kami.

"Hindi, ikaw?" Balik tanong ko.

Umiling si Zac at napakibit balikat na lang ako. Kumain ba naman kami sa eroplano mga more or less one hour bago lumapag.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap pero nang naghiwalay kami ay binuksan na namin yung mga bagahe namin. Mukhang pareho kaming yung gagamitin lang bukas yung nilabas kasi sa 4th day kami babyahe papunta ng Pattaya.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now