Epilogue

1.1K 16 8
                                    

JASMINE

"Hoooo, putang ina."

"Huy, tumayo ka nga. Marumi 'yang sahig Jas!" Saway ni Astrid sa akin.

"Astrid," rinig kong saway ni Minerva sa kan'ya.

Pero kahit anong saway ko sa sarili ko, hindi ko magawang tumayo pa. Nagawa ko lang nang inalalayan lang ako ni Diana makatayo.

"Anong sabi?"

"He's safe," buntong hininga ko pero napahugot ko uli nang malalim na hininga.

Nang abutan ako ni Micah ng tubig, dire-diretso kong ininom 'yon. May humagod naman sa likod ko at nakita kong si Minerva 'yon. Pero nanginginig pa rin ako, punyetang 'yan. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Nangyari yung inaalala ko.

Isang linggo akong walang narinig mula kay Zac.

Nung una hindi ko pinansin kasi wala lang naman, minsan hindi kami nakakapag-usap dahil abala kami. Tapos nagulat na lang ako nang makita ko sa GC na may nag-send ng news article about sa isang shootout sa isang naval headquarters, which happened to be where he's currently dispatched.

Syempre sinubukan ko agad s'ya tawagan pero 'di sumasagot ang mokong. Ngayon ko lang nalaman kung anong lagay n'ya dahil nag-text sa akin si Zen. Balak pala nila ako isama ron pero nang pumunta s'ya kasama sina Tito at Tita sa ospital namin, nasa gitna ako ng major surgery. Sinabi lang sa akin ni Mommy pagkatapos ng surgery ko.

"Girl, sure ka ayaw mo puntahan? Sabi naman ni Christine pwede mo gamitin yung chopper n'ya," paalala ni Alexis sa akin.

"Ayaw, baka hindi ako umuwi. May surgery din ako bukas," sabi ko na lang pero kung may teleport machine man, baka kanina pa ako nandoon.

Pero ayaw ko rin at the same time, kasi hindi ko ata makakayang makita si Zac na...I don't even want to say or think about it. Basta ayoko, ang mahalaga alam kong buhay s'ya. On the way na rin naman na si Daddy don para tingnan din s'ya na pinalayas ata ni Mommy sa ospital kasi gusto raw sabihin sa akin ni Daddy na pwede akong umalis kanina kahit critical ako as a part of the team sa surgery kanina.

Kaya naman for the following days, binabad ko yung sarili ko sa trabaho. Sinabi naman na ni Daddy na okay lang naman si Zac. Hindi ko alam kung anong injury n'ya pero ayaw ko rin malaman, basta buhay s'ya. Okay na yun.

"What?" Kunot noong tanong ko sa residenteng kasama ko sa OR. "If you're seeing something wrong or suspicious, tell me immediately. Or if you have any questions."

"Ay wala po Doc. Ang linis po kasi ng pag-cut n'yo sa tendon."

Hindi ko napigilang tingnan yung residente at taasan ng kilay. Pero nawala yung atensyon ko ron dahil may nahagip yung mata ko sa OR gallery.

What...

Kumunot naman yung noo ko bago pumikit-pikit at tumingin uli sa taas. Anong ginagawa ni Zac sa OR gallery? At tang ina bakit may pasa sa mukha?!

"Doc? May problema ba?"

"Huh? Wala," sagot ko sa nurse at tinuloy na yung ginagawa kong surgery pero saglit akong lumingon ulit sa gallery at nandoon nga s'ya.

Gustung-gusto ko tumingala para makita si Zac at malaman kung may iba pa s'yang injury pero hindi pwede. Kaya pinaalalahanan ko yung sarili ko mentally na yung pasyente ko ay candidate para sa olympics.

And after over 2 hours, natapos din yung surgery at nang makapaghugas ako ulit ng kamay ay dumiretso ako sa office ni Daddy. Tama naman dahil nandoon si Zac tapos may isang naka-navy uniform doon.

Tahimik lang akong tumayo sa gilid at pinakinggan yung pinag-uusapan nila at napagtanto kong surgeon sa Philippine Navy yung naka-blue camouflage.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now