Chapter 23

530 9 0
                                    

ZAC

"Sir, yes, sir!"

Kinilatis ko yung mga cadet na nakapila na halatang naghahabol pa ng hininga. Ayos naman yung ginawa nila. Kaya naman pala nila yung bagong routine na binigay, muntik pa ako mauto na kawawa yung mga bagong salta.

Sa susunod talaga hindi na ako makikinig sa mga kasabayan ko. Ilang beses na ako muntik mauto at mapahamak sa pagpapaawa nila eh.

"Dismiss," sabi ko.

"Sir, thank you, sir!"

"Halimaw."

"Tigilan mo 'ko Harrison at baka ilaglag kita sa tubig," sabi ko.

"Sige, gawa."

Babatukan ko na sana s'ya pero nakaiwas s'ya at nang susubukan ko sana ulit napatayo ako nang tuwid. Sumaludo naman ako at agad na binati yung First Master Chief Petty Officer at sumunod agad si Harrison. Hindi na ako nagulat nang yayain n'ya kami sa table n'ya

"Anong oras alis n'yo?"

"1545 sir," sagot ko.

"Kung kayang mapaaga ng dalawang oras, sumabay na kayo sa akin. Pinapatawag naman ako sa headquarters sa Manila."

Hindi ko tinanggap yung offer kasi marami pa akong gagawin bago umalis. Mukhang pati si Sir madaming gagawin kasi mabilis s'ya natapos kumain na pabor naman sa amin ni Harrison. Nakahinga kami nang maluwag nang makaalis na yung First Master Chief Petty Officer at itong si Harrison, muntik pa malaglag sa upuan.

Sumandal kahit wala namang sandalan yung mga upuan dito sa canteen. Tanga ampota, parang hindi na ilang taong bumibisita sa mga military base.

"Go ahead, laugh. Nahiya pa kayo tumawa eh bumubungisngis na kayo," sabi n'ya kaya yung mga nasa kalapit na mesa namin humalakhak na.

Napailing na lang ako bago tinapos yung pagkain ko at tinapos na yung mga kailangang tapusin ko. Sasabay pa ako pabalik ng Manila kay Harrison, baka pag napikon ako at sinapak s'ya eh mauwi ako sa pag-commute mamaya.

"Ser, 'di ka naman excited umuwi? Makikita mo na girlfriend o asawa mo?"

"Pft, torpe tapos may girlfriend o asawa? Nice joke."

Ayos na pala na mag-commute ako pauwi, naisip ko na lang habang iniipit yung leeg ni Harrison gamit isang braso. Balak ko na nga sana s'ya ihagis talaga sa Pacific Ocean kaso may naramdaman akong humampas sa likod ko.

"Ano na naman 'yan, Delos Reyes at Black ha? Para kayong mga bata!"

Damang-dama ko yung tingin ng iba sa aming dalawa habang pinapagalitan kami ni Orlando pero sumuko rin s'ya kasi nagpipigil lang kami ni Harrison ng tawa.

"Hina-highblood n'yo si Madame, lagot kayo," sabi ng isa sa mga kasabayan kong pumasok sa PMMA.

"Na-try n'yo na ba pormahan 'yon? Para next time alam na natin kung sino iaalay natin," sabi ng isa pa.

"Hindi n'yo alam na lesbian si Orlando?" Takang tanong ni Harrison sa kanila.

Bago pa ilihis ni Harrison yung usapan sa akin, na gawain n'ya tuwing napupuntahan n'yang naval base eh nasasaktuhan n'yang nandoon ako, lumayas na ako. Yung mga nakakasalubong ko mga nagpapaalam sa akin na akala mo hindi na ako makikita. Magbabakasyon lang naman ako.

Parang wala silang bakasyon kung makapaalam sa akin. Kulang na lang konsensyahin ako ng mga taong 'to na mag-stay dito kahit na baka mabaliw ako na panay barko, dagat o karagatan, at mga mukha nila nakikita ko.

Maayos na yung mga gamit ko kaya nang sumapit yung 1545 hours o 3:45 PM, lumabas na lang ako sa tulugan namin. Medyo nagulat ako na ang ingay at pagtingin ko, may helicopter sa helipad. Kitang-kita ko sa loob si Harrison na kumibit balikat at napailing na lang ako bago pumasok doon.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysOù les histoires vivent. Découvrez maintenant