Chapter 1

1.1K 33 7
                                    

JASMINE

"Anak, ayaw mo pa talaga lumipat sa ospital natin?" Tanong ni Daddy sa akin.

"Hindi muna sa ngayon, Daddy," sagot ko.

"Bakit ba ayaw mo ron? Mas madadalian ka kapag doon ka, anak," dagdag ni Mommy. "Plus, transferring you would be easier."

"Mommy, that's the thing. It's going to be too easy for me if I work in our hospital. That's why." Paliwanag ko sa kanila. "At last year na ng residency ko, I'll think about transferring after," dagdag ko.

Medyo pushy si Mommy sa topic na 'to kaya kulang na lang mapasuntok ako sa ere nang ibahin ni Daddy yung usapan; effective naman. Ewan ko lang kung dahil mukhang puyat si Mommy sa rounds o dahil sa palapit na binyag ng pamangkin ko yung pinag-uusapan.

Pinag-uusapan na namin kung ano bang dadalhing regalo para sa binyag nang may matanggap akong text.

"Mommy, Daddy," Tawag ko sa kanila na hindi inaalis yung tingin sa phone ko. "I need to go."

Hindi na humingi sila Mommy at Daddy ng paliwanag kaya mabilis akong nakaalis.

Dapat pagkatapos namin kumain ng dinner, uuwi na ako. Pero ito na nga, nag-text yung isa sa nurse sa Andromeda Hospital kung saan ako nagttrabaho. Tiningnan ko naman yung pager ko at napabuntong hininga nang hindi bumukas. Kaya nag-drive ako pabalik sa ospital pagkatapos maglagay ng reminder sa phone ko na palitan yung battery ng pager ko.

Dumiretso ako kung saang kwarto naka-confine yung pasyente ko at tiningnan ko agad yung vitals. Pagkatapos nun ay hinahanap ko yung doctor na umasikaso sa pasyente ko dahil out na ako nang nangyari 'yon. Pero nakasalubong ko si Genesis, isa sa mga doctor dito na kaibigan ko naman.

"Huy! Yung pasyente mo nag-code blue kanina!" Sabi n'ya agad. "Diba may naka-schedule na multiple surgeries 'yon?"

"Alam ko. Kaya nga ako nandito diba?" Sabi ko sa kan'ya.

Nagpaalam na lang muna akong hahanapin yung doctor na nag-resuscitate sa pasyente ko. At nang mahanap ko ay nagpasalamat ako, kinumusta kung ano bang ginawa n'ya habang pinapakita yung chart ng pasyente ko. Yung naka-duty na nurse sa station naman ay sinabihan kong mamaya pagpasok ko ulit, siguraduhin ng ready na sa surgery yung pasyente ko. Dahil delikado na talaga kung hindi pa isu-surgery.

Balak ko na nga sanang umuwi na for real kaso may humarang na bwisit sa akin.

"Teka lang," hinihingal na sabi ni Krisha na yumuko pa at humawak sa tuhod.

Wa-walk out-an ko nga lang sana kaso nakita kong naka-scrub cap s'ya. Kaya either wala ng available na doctor sa emergency room o lumabas lang ng operating room ang isang 'to sa gitna ng operation.

"Wala si Dra. San Jose, ikaw muna."

"Ano?" Tanong ko kay Krisha.

"May patient sa OR 3 na kailangan ng orthopedic surgeon, ikaw muna. Nasa sariling surgery ibang consultant na ortho," sagot n'ya at lalong kumunot noo ko. "Kailangan ni Dr. Angelo ng assistant sa ginagawa n'ya."

"Walang assistant na resident surgeon si Dr. Angelo?" Gulat na tanong ko. "At bakit ako? Neuro s'ya ah."

"Meron pero may spinal trauma yung pasyente at yung resident surgeon na kasama n'ya, hinimatay."

Matapos kong marinig yung paliwanag ni Krisha, sinabi kong susunod na lang ako. Nagmadali naman akong pumunta sa locker room para magpalit ng scrub. Tinanggal ko rin lahat ng accessory ko, pero binulsa ko yung relo ko. Yung phone ko naman, iniwan ko sa bulsa ng white coat ko. Babalikan ko na lang mamaya. Itinali ko naman into a bun yung buhok ko habang naglalakad papunta sa operating room.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now