Chapter 18

480 11 0
                                    

Again, this chapter is contains spoilers for DS01 Limit of the Fearless and the future chapters will discuss sensitive topics. Read with caution.

***

JASMINE

"Minerva, it's me. Minerva! Si Jasmine 'to!" Sigaw ko kay Minerva.

Kanina pa n'ya ako tinutulak palayo pero nang hinawakan ko s'ya sa magkabilang balikat n'ya at nang magsalubong yung mga mata namin, saka lang s'ya natigil sa pagtulak sa akin. Ramdam na ramdam ko yung panginginig n'ya nang kumapit s'ya sa akin at naiyak na lang. Kaya naman niyakap ko na lang s'ya nang mahigpit.

Tiningnan ko naman si Zac at nakita kong kahit dalawa yung kapalitan n'ya ng suntok at sipa, hindi s'ya gaanong kadehado. Pero napapansin kong yung isa sa dalawa eh sinusubukan lumapit sa amin. Kaya tiningnan ko yung sasakyan ni Zac at pinakiramdaman kung kakayanin ba na makapunta ron kung kakaladkarin ko si Minerva.

Pero bago ko pa subukan ay may isang sasakyan na tumigil at nakita kong lumabas si Nathaniel Morris.

Akala ko nga yayakap agad si Minerva kay Nathaniel oras na makita n'ya pero lalo lang sumiksik sa akin si Minerva at sinabihan s'ya na lumayo. Kaya naman tiningnan ko s'ya at sinabing ako na bahala kay Minerva.

Medyo napanatag ako dahil dalawa na sila ni Zac na nandon.

"Ja-Jas—"

"Kukuha lang ako ng jacket, okay? Babalik ako—okay fine, can you stand?" Tanong ko at nang tumango si Minerva kahit halos mag-hyperventilate s'ya sa kaiiyak ay inalalayan ko s'ya.

Hinanap ko yung jacket ni Zac sa backseat at pinatong ko sa kan'ya. Balak ko na nga sanang magpa-dispatch na agad ng pulis para mahuli na 'tong mga gagong 'to pero napatigil ako nang may mapansin. Mga ilang metro siguro kung saan nasa sementadong sahig na si Kurt at yung isa pa, ay nakahandusay sa sahig yung isang lalaki at sigurado akong dugo yung nandoon.

Agad naman akong lumapit doon pagkatapos ko i-dial yung 911.

"911, what's your emergenccy?"

"Dispatch an ambulance and a team of policemen on the 78th street," sabi ko.

"May I know why?"

"Attempted rape and someone has a gunshot wound to the abdomen—I'm a doctor so just please dispatch what I asked for."

Pinunit ko agad yung suot na shirt ng tarantadong 'to. Sa galit ko, nagawa kong punitin 'yon ng isang subok lang at walang gunting.

Putang ina kang hayop ka. Hindi ka mamamatay.

'Yon lang nasa isip ko habang sinusubukan kontrolin yung bleeding.

"Jasmine anong ginagawa mo?!"

"Zac, stop it!" Sabi ko at pumalag sa pagsubok na tanggalin yung paghatak n'ya sa akin.

Hindi ko alam kung paano pero nagawa kong labanan yung pagsubok ni Zac na hatakin ako paalis sa hayup na 'to.

"Zac, ano ba?! I'm not letting this guy die!"

"'Wag mo sayangin yung oras mo sa gago na 'yan, Jasmine! Mamamatay din naman 'yan—"

"Not if I can help it," I interrupted him and glared before going back to putting pressure and checking this...sorry excuse of a human being's pulse.

The pulse was getting weak but the ambulance arrived before this guy needed chest compressions. Sumakay ako sa ambulansya at sinabi ng Paramedics at mukhang alam na nilang doktor ako kasi hinayaan nila ako sa pagsubok na patigilin yung pagdudugo ng gunshot wound.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now