Chapter 24

512 7 0
                                    

ZAC

She knows. She fucking knows; all this time.

"Puta," nasabi ko na lang.

Wala akong magawa kung hindi tingnan si Jasmine. Sa rami ng ininom n'ya, hindi ko alam kung paanong gising pa s'ya. Pero gusto ko rin na malaman yung sasabihin n'ya.

Shit buti na lang pala hindi ako uminom nang madami.

"Zac, bakit naman ganon?"

Sinubukan kong humakbang palayo kay Jasmine pero hindi ko magawa. Kung aatras ako malalaglag s'ya. Pero puta naman, bakit kailangan ako yakapin? Tumigil na ako sa pag-inom kanina nang nakita kong silang magkakaibigan eh sunud-sunod yung inom.

"Naman eh! Kakausapin sana kita eh, kaso tang ina ka. Isang taon kang wala after grad tapos nalaman ko na lang na nasa Zambales ka na," sabi ni Jasmine na nakakapit na ngayon sa t-shirt ko.

Kanina gusto ko na lumabas ng kwarto ni Jasmine dahil kung anu-anong imahe yung sumusulpot sa utak ko. Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling 'yon. Pero nanlaki yung mata ko nang marinig na parang sumisinghot si Jasmine. Yumuko pa ako para malaman ko kung tumutulo lang ba uhog ni Jasmine pero natigilan ako nang makitang luha yung tumutulo.

"Sorry, sorry," sabi ko at pinunasan agad yung luha sa mga mata n'ya. "Teka lang, hindi ako aalis, okay?"

Ilang segundo kaming nakatinginan bago yumuko si Jasmine pero halos isang minuto ata bago n'ya binitawan yung kamay ko. Kinuha ko naman yung upuan na nasa study table n'ya at pinwesto 'yon sa harap n'ya saka inupuan.

"Matulog ka na," sabi ko sa kan'ya.

Putang ina, naisip ko na lang at napahawak sa sentido ko. Gan'to ba talaga si Jasmine kapag lasing?

Where's the foul-mouthed Jasmine who keeps on blabbing about the most stupid thing there is? I don't think I can handle how adorable she looks right now!

"Bakit?" I asked when she tapped my knee but I stood up and held her shoulders. "Matulog ka na," sabi ko at kung pwede lang na itali s'ya sa kama n'ya ginawa ko na.

Subukan ba naman ako halikan, buti na lang hindi malakas tama ko kasi papatulan ko talaga. Ito ata yung sinasabi ng mga kaibigan n'ya na makalat s'ya pag lasing.

"Kuya, bakit hindi mo na lang ibenta yung condo mo tutal nandito ka naman."

"Manahimik ka," sabi ko kay Zen.

"Tinatanong pala ako ni Papa kung torpe ka pa rin daw ba—aray! Grabe! Pwede namang unan ibato, hardbound book talaga?"

Tiningnan ko na lang s'ya ng masama bago umalis para pumunta sa bahay nina Jasmine. Lagi ko nga naabutan 'yon na nag-aaral o kumakain. Kaya nagtaka ako nang pagpasok ko sa bahay nila, wala s'ya sa gitna ng mga libro at folder na nasa sahig at mesa sa sala nila.

Sumilip naman ako sa may kusina nila at nanlaki yung mga mata ko nang makitang naghihiwa s'ya tapos may nakasalang pa sa stove. Binalik ko yung tingin ko sa dining room nila bago tumingin ulit sa kusina at mukhang 'di ako namamalik mata na si Jasmine nga yung nagluluto at hindi si Tita.

"Grabe ka? Bawal matuto magluto? Ano 'yon, kaya ko humawak ng scalpel para mag-opera tapos hindi ko kaya humawak ng sandok para magluto? Napakasama ng ugali nito!"

"Masama mag-ingat?" Tanong ko at saka sinubo na nang tuluyan yung ulam na niluto n'ya.

"Kapag ikaw at tungkol sa life skills na na-pick up ko, oo. Napaka-judger mo kaya, akin na nga!"

"Susumbong kita sa nanay mo, 'di ka nagpapakain ng bisita mo."

Gusto ko pa sanang sabihin na sa aming dalawa eh s'ya yung mas judger pero 'di ko na lang sinabi. Mahahampas na naman ako; lakas pa naman ng hampas nitong si Jasmine.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now