Chapter 9

574 11 3
                                    

JASMINE

"Ho?" Tanong ko, in case na mali yung pagkakarinig ko.

"Wala ho ba kayong irereseta na antibiotics?"

"Wala po," sagot ko.

The more ata na kinakausap ko 'tong pasyente ko, the more na nate-test yung pasensya ko.

Ito talaga yung ayaw ko eh. Yung magkakapasyente ako na may kamag-anak sa ibang bansa. Tipong binigyan na ng physical examination at okay naman na tapos biglang hihirit na kung wala bang ibibigay na reseta o kung hindi ba kailangan ng kung anong test na sinabi ng kamag-anak o kakilala na health care worker abroad. Or worse dahil 'yon ang napapanood sa mga medical drama.

"Sige, tawa pa. Nang i-central line ka mamaya pag ako napikon," banta ko kay Genesis na humahagalpak.

Malamang narinig ng isang 'to yung usapan namin ng pasyente ko. Nasa kabilang kurtina s'ya eh.

"Subok nga," sabi ni Genesis kaya umamba ako na hahampasin ko na lang s'ya ng chart.

Napabuga na lang ako ng hangin bago tiningnan kung ilang oras pa meron ako bago surgery ko. At nang makitang more or less 3 hours, napapikit na lang ako.

Dios mio. Hindi na naman ako makakatulog. Kailangan ko pa kasi tingnan yung progress ng ibang patients ko na nasa recovery. Kasi lagot ako sa specialist o consultant ko pag may pagbaba or pagtaas sa stats ng patients lalo na kung 'di 'yon yung desired result. Ni ayaw ko imagine-in kung yung nakuhang undesired stats eh controllable naman.

"Alvaro, asan mga kasama mo?" Tawag ko kay Julia na pangalawang anak ng may-ari nitong ospital.

"Natutulog—bakit?"

"Gisingin mo. Rounds," sabi ko at tinuro pa yung relo ko.

Pag-check lang naman ng vitals, urine, and anything along that yung gagawin nila. Kapag talaga nagkamali pa sila ron, kailangan na talaga nila pagnilayan yung life choice nila na maging surgical intern.

Bago naman ako magsimula sa pag-check ng progress notes para matingnan kung sinu-sino na pwede ma-discharge—kung payag yung consultant—naghanap muna ako ng resident ng ortho rin ang declared specialty. Consultant nga sana kaso baka mabulyawan ako. Last check-up na lang naman na kasi ni Zac.

Nasaktuhan kasing bukas, kung kailan last check-up n'ya na at more or less 4 weeks later ata eh babalik na s'ya sa kung saang base ng Philippine Navy s'ya naka-assign. At kung minamalas ka nga naman eh wala akong makitang naka-duty na ortho yung declared specialty. Kaya naman hinanap ko yung Chief Resident namin at sinabi yung tungkol sa appointment ko bukas.

"Ayaw mo agahan yung appointment?" Tanong ng Chief Resident sa akin.

"Back-to-back surgeries ako for almost 3 days eh Doc," nakangiwing sabi ko.

"Sino consultants mo sa mga surgery mo?"

Nang sinabi ko kung sino yung mga consultant sa sunud-sunod kong surgeries ay napangiwi na lang yung Chief Resident. Saka sinabing s'ya na bahala maghanap ng papalit sa akin bukas.

"Doc. Escoto, kaya pa?" Tanong ng Orthopedic Consultant or Attending as usually referred to in American Medical Dramas.

"Of course Doc," sagot ko.

Literal na sunud-sunod yung surgeries ko na pagkatapos ko sa isa eh bago umalis ay binabalutan na lang ng sterile towel yung mga kamay ko. At pagdating sa OR ng next surgery ko ay sinusuotan na lang ako ng gloves, bagong gown dahil yung surgery ko may sumirit na dugo sa pasyente.

Hindi ko rin talaga alam kung bakit biglang may back-to-back surgeries ako. Merong yung senior doctor eh ortho talaga, tapos merong pediatrics, at may obstetrician-gynecologist yung consultant.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysOù les histoires vivent. Découvrez maintenant