Chapter 21

552 7 0
                                    

ZAC

"Aray!"

"Wala pa! Hindi pa nga dumidikit yung bulak!"

"Hindi naman yung bulak, yung kamay mo! Ang higpit ng hawak mo eh pasa hinahawakan mo," reklamo ko kay Jasmine.

'Tong isang 'to naturingang anak ng dalawang doktor, ang bigat ng kamay. May balak pa magdoktor! Ayos lang naman, kasi panigurado kaya naman nitong si Jasmine, kaso kita na ngang ang laki ng pasa ko tapos kung hawakan braso ko parang nanay mong nagwawalis habang galit.

"Kung ayaw mo naman pala na dudutdutin mga sugat mo sa pakikipagbardagulan mo, bakit paulit-ulit ka pa rin na nakikipag-away ha?!" Sermon ni Jasmine habang ginagalaw-galaw yung mga nasa first aid kit.

Hindi na lang ako nagsalita kasi ako lang din naman maririndi. Dadaigin ata nito nanay ko sa panenermon sa akin eh.

"Lagot ka na naman kay Mama, Kuya," pagkakitang-pagkakita sa 'kin ni Zen, yun agad sinabi ng bubwit.

"Basketball lang 'to," sabi ko at kinuha yung isang controller.

"Ulol, anong basketball 'yan eh may band aid mukha mo? Para namang others ako, sino?"

"Mga pinsan ni Michelle."

"Gago, nakipag-break ka na?"

"Oo," sagot ko.

Akala ko talaga titigil na sa katatanong si Zen pero tuluy-tuloy pa rin yung tanong n'ya na akala mo hindi n'ya alam yung nangyayari sa amin ni Michelle.

Tagal ko na rin gusto makipag-break sa kan'ya. Hayup. Kung si Jasmine, dadaigin nanay ko sa panenermon, itong si Michelle kulang na lang palitan yung guardian angel ko. Bawat gawin ko may sinasabi, kahit ata pag-utot ko may masasabi 'yon.

Nung mga unang buwan, ayos lang naman kaso nitong mga nakaraan parang 'kong preso. Pambihirang 'yan, nagagalit na 'di ako nagre-reply kapag mine-message ako ng lagpas alas doce o tumatambay masyado sa bahay nila, akala mo hindi season ng entrance exam para sa colleges. Masyadong na-baby ng mga magulang nila kaya akala n'ya ata eh ayos lang na lagi s'yang ganon.

Kung sobrang down naman n'ya, pupunta ako kaso hindi na reasonable madalas eh.

"Uy Zac, bakit nandito ka?"

"Bahay mo?" Tanong ko kay Genesis na kapapasok lang sa sala ng bahay nina Jas.

"Nagtatanong lang eh, Jas oh!"

"Ano?" Tanong ni Jasmine mula sa kusina.

"Pwede pasapak dito kay Zac?"

"Bahala ka, 'yon eh kung kaya mo."

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Jasmine kay Genesis kaya tiningnan ko lang si Genesis habang nakangisi pero kinunutan lang ako ng noo bago nilapag yung gamit n'ya. Paglabas ni Jasmine galing sa kusina nila, binigyan n'ya ako at si Genesis ng soft drinks tapos nilapag n'ya yung pitsel at tray sa mesa.

Pinaglalabas na rin nila yung mga gamit nila kaya pinatay ko na yung TV nang masimulan na namin yung kailangan namin ipasa sa Lunes.

"Kung wala ka lang sigurong record na na-suspend sa pakikipag-away, baka nasa Top 20 ka ng batch. Baka honors pa nga," biglang sabi ni Genesis.

"Kung lang, eh tingnan mo; monthly ata nagkakapasa o sugat. Speaking of which, kailan sunod?"

Sinamaan ko ng tingin si Jasmine sa sinabi n'ya, habang ito si Genesis eh ang laki na ng bunganga sa katatawa. Nang natawa na rin si Jasmine, napailing na lang ako at tinuloy yung ginagawa ko.

Buti na lang kahit panay daldalan 'tong dalawa eh may nagagawa pa rin. Natigil lang kami nang tumayo si Jasmine para pumunta na naman sa kusina.

"Gagawin nun?" Tanong ni Genesis kasi biglaan lang na tumayo si Jasmine.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysKde žijí příběhy. Začni objevovat