Chapter 16

489 9 1
                                    

JASMINE

"Zac, if what you're doing is nothing to you, stop. Because for me it's something—ah shit," I sighed and pulled my hair, "you know what, uuwi na lang ako baka kung ano pa masabi ko lalo na't stressed ako." Sabi ko at tumalikod na.

Pero napapikit ako sa inis nang humarang si Zac sa daraanan ko at napahugot lang ako nang malalim na hininga. This is bad, after that outburst, parang kailangan ilabas ko lahat ng stress at galit na matagal ko na tinatago.

"No, let's talk. Isang dekada na kitang iniiwasan, hindi ko na patatagalin pa," sabi ni Zac at umupo sa pinakamalapit na bench.

Ilang segundo lang akong nakatayo ron hanggang sa napabuntong hininga na naman ako at umupo rin doon sa bench. Walang nagsasalita sa amin kaya tiningnan ko na lang yung stray cats na mukhang malapit na mag-away.

"I don't know if you remember; but we slept with each other."

For a moment, I thought I went deaf because of the ringing silence that I heard but then the cats hissed until they ran away from the park. Hindi ko napigilang diinan yung kuko ko sa hita ko para may masabi ako, kahit gaano pa kawalang kwenta. Or maybe if should make sense, kasi tang ina ayoko na maguluhan at mag-assume na naman. Hindi naman ganon kalamig dito sa park ng village pero nanlalamig ako.

"Tanda ko," I truthfully said and looked at the side where I won't see him.

"...you do remember?"

"Yeah," as clear as a cloudless sky. "I would have talked to you about it pero nalaman ko na lang na nasa PMMA ka na," dagdag ko.

"Umatras itlog ko eh," sabi ni Zac kaya napalingon talaga ako sa kan'ya.

Agad na nagtama yung mga mata namin at nagkatinginan lang kami hanggang sa sabay kaming natawa. "Alam mo Zac, putang ina ka. Seryosong usapan eh," naiinis na sabi ko sa kan'ya habang nagpipigil ng tawa.

Pero binaling ko agad yung tingin ko sa lamp post na kabubukas lang dahil 'di ko kinakaya yung tingin ni Zac sa akin.

"Hindi mo man lang naisipan na kausapin ako?"

"Sinabi ko ngang umatras—natakot nga ako kausapin ka diba?"

"Paano pala kung nabuntis mo ako? Tapos hindi ko sinabi sa 'yo?" Tanong ko at matapang na tiningnan s'ya sa mata.

Kita kong bahagyang umawang yung mga labi n'ya at napaatras ako nang bigla s'yang lumapit sa akin. Nanlaki yung mata ko nang biglang sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin.

"Joke lang! Makalapit 'to halos magpalit na mukha natin!" Panic ko at tumayo.

Napasuklay pa ako sa buhok ko kasi feeling ko namumula ako sa init ng mukha ko. Punyeta Jasmine, ano ka, high school?! Ang dami mo na nakalaplapan tapos mamumula ka sa paglapit lang ng mukha ni Zac?!

"Jasmine!"

Halos mapalundag ako nang maramdaman kong hatakin ako ni Zac; di ko sure kung sinadya n'ya o napalakas lang. Kung sinadya n'ya, punyeta sana alam n'yang masakit sa ilong yung dibdib n'ya!

"Were you?"

"Were you na ano?" Tanong ko.

"Nabuntis ba kita?"

"Hindi! What if lang 'yon kasi tang ina ka sa biglang alis mo. Ang gago mo sa part na 'yon!" Naiiritang sabi ko tas tinulak s'ya, or should I say sinubukan ko lang, kasi ni hindi s'ya napaatras sa kinatatayuan n'ya.

"Sinabi ko—"

"Zac, utang na loob! Simula uhugin tayo magkakilala na tayo. Hindi tayo nagkakilala lang sa club na nakipag-sex sa isa't isa. So what makes you think na tama na sa akin yung explanation na natakot ka?" Sabi ko na pinipigilang mabwisit. "Zac, what happened that night is a one-time thing but our relationship isn't!"

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now