Chapter 11

533 13 0
                                    

JASMINE

"Masakit ba?"

"Ang alin?" Kunot noo kong tanong kay Zac.

"Braso mo. Kita kong panay hampas sa 'yo yung babae kanina eh."

Magkasalubong pa yung kilay ko habang sumisimsim sa iced choco na iniinom ko. Pero kasabay nang paglunok ko ay naintindihan ko yung tinutukoy ni Zac. Umiling naman ako agad bilang sagot.

"Alog kasi 'yon—mostly. Pero hindi masakit, at sanay na rin naman na ako," sabi ko at humiwa sa slice ng cake na nasa platito ko.

Pagkatapos ko sabihin 'yon ay yung usapan na ng mga nakaupo sa kabilang table, tunog ng blender, pangalan ng customer na handa na yung order, at yung chime sa tuwing may nagbubukas ng entrance na lang ang narinig ko. Hanggang sa magsalita si Zac.

"Uuwi ka na ba?"

Seryoso yung tanong ni Zac pero natawa ako. Kumunot pa yung noo n'ya kaya naman inangat ko yung kamay ko habang nakaharap sa kan'a yung palad ko. Nilunok ko muna yung kinakain ko at sumimsim sa iced choco ko.

"Wala pa akong 30 hours sa duty ko. At may surgery pa ako ng 2:35 AM," sabi ko.

"Ha?"

Medyo in-expect ko na yung reaction ni Zac kaya naman kinailangan ko pa i-explain sa kan'ya yung pasok ko. Kasi kung yung iba may 9 to 5 jobs, sa aming mga nasa medical field, it's complicated. 48 hours per week ang trabaho naming health professionals at mga 12 hours a day at the very least kami nagttrabaho.

Syempre hindi naman nasusunod 'yan. Kulang na kulang kaya mga nasa medical field dahil ang mahal ng tuition sa medical school at ang baba ng sweldo at benefits dito. Kaya nga tuwing naaalala kong ginawa kong trial and error yung first year ko sa med school, gusto ko mag-time travel at sipain yung sarili ko.

Pasimple kong tiningnan kung anong oras na at nang makitang okay pa naman ay tinanong ko rin si Zac kung ano ba ginagawa n'ya as a Navy.

"Workout, report, patrol."

"Ha? Hayup, ang haba ng sinabi ko tas ikaw 'yan lang sasabihin mo?" Tanong ko.

"Alam mo ikaw, naka-scrubs ka na at lahat, napakabulgar pa rin ng bibig mo ano?"

"Alam mo ikaw, baka nakakalimutan mong mas malala ka magmura kaysa sa akin?" Ganting tanong ko sa kan'ya.

Painom na sana si Zac sa tasa ng kape na in-order n'ya pero napatigil s'ya. Saglit pa n'ya akong tiningnan bago binaba yung tasa. Matapos n'ya gawin 'yon, pinagkrus n'ya yung mga braso n'ya.

"Pwedeng kumain ka na lang habang nagre-review?" Sabi n'ya sa akin habang masama yung tingin.

"Pikon," ismid ko at umiling.

Iinisin ko pa sana si Zac kaso ilang linggo na lang eh board exams na. Dios ko kailangan ko pa tingnan yung email ko mamaya para sa mga nago-offer sa akin ng consultant or fellowships offers. Akala mo talaga hindi lilipat sa ospital namin after.

Nag-set naman ako ng alarm kasi baka madala ako sa pagre-review. Kaya lang, biglang nag-notif yung group chat ng Diallogus.

Minerva: Help bakit ang landi ng isang 'to huhuhu

Stella: Ayan, magjojowa pero hindi kinakaya kalandian

Astrid: Doblehin o triplehin mo yung panglalandi na ginagawa

Amara: Try mo sakyan

Amara: Kalandian ha. Pwede ring jowa mo mismo

Jasmine: Napakakalat nyo talaga kayong mga hayop kayo

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon