Chapter 10

575 13 0
                                    

JASMINE

"Last favor na, I swear! Kasi feeling ko talaga type ako ng isa sa mga 'yon, nahihiya lang magsabi," sabi ni Krisha sa akin.

"Sino?" Tanong naman ni Steff, kasi wala naman talaga akong pake sa usapan nila.

"Feeling ko type ako nung Nathaniel."

'Di ko talaga pinapansin yung usapan ng tatlong 'to. Pero nang marinig yung sinabi ni Krisha, hindi ko napigilan na tingnan sila.

Pag-iisipan ko pa sana kung sasabihin kong mukhang si Minerva gusto tuklawin non o hahayaan kong mag-ilusyon s'ya. Pero hindi ko na lang pinansin kasi mas importante sa akin yung mag-review. Ayoko mag-second take ng certification exam as an orthopedic surgeon! Lalo na kung dahil lang na-distract ako ng mga bruha na 'to.

Mararatrat na ata ako sa kakulitan ni Krisha pero buti na lang nakakuha ako ng page sa ER kaya pumunta ako ron. Akala ko pa nga joke time yung page kasi walang kumakaway sa akin na doktor sa kung saang kurtina pero may nurse na nasa station ng ER na nagturo sa isang saradong kurtina habang nasa tenga yung phone.

Palapit pa lang ako eh napatigil ako. May nag-aaway—gago bakit parang boses ni Julia Alvaro 'yon? Yung intern!

Ready na sana ako titigan si Julia hanggang lumabas s'ya ron pero pagkahawi na pagkahawi ko sa kurtina, natigil sila sa pag-aaway. Ako naman, halos mapanganga.

Lord...mabait naman ako this past month. Bakit naman ganito?

When I thought of that, I took a deep breath to calm myself, I really did. Tas saka ko tiningnan yung nasa loob—the intern, Zac, and Michelle Alvaro. And now that I saw them, it makes sense na may nag-aaway.

"What the hell are you doing here?" Tanong ni Michelle Alvaro sa akin na sinubukan pa ipagkrus yung mga braso n'ya.

She tried and I also tried to keep myself from laughing. Pano, nalimutan n'ya atang naka-emergency cast yung braso n'ya. Ayun para s'yang si Kermit na biglang nasuntok na napaaray.

"Sabi ko nga hahanap ako ng ibang doktor na gagamot sa 'yo," sabi ko at aalis na sana pero biglang nagsalita si Zac.

"Uy tang ina dumugo. Sinabi kasi 'wag gumalaw eh."

"Tabi, shoo. Ikaw, alis," sabi ko kay Zac tapos kay Julia naman.

"Bakit...Doc?" Sabi ni Julia.

"Ano mo s'ya?" Tanong ko.

"...kapatid," parang nandidiring sagot n'ya.

"Oh alis, general rule na bawal gamutin ng doktor ang family members nila," sabi ko. "Mag-fill up ka na lang ng paper para sa admission ng kapatid mo."

Gusto ko nga idagdag na baka imbis gamutin eh palalain pa n'ya yung condition ng kapatid n'ya. Hindi naman s'ya mismo gagamot non pero ayoko naman iwanan 'tong bruhang 'to sa batang 'yon. At sinadya ko talagang banggitin yung word na 'kapatid' dahil sukdulan ata inis nilang magkapatid sa isa't isa.

"Manonood ka?" Tanong ko kay Zac na hindi umalis habang sinusuot ko yung gloves.

"I've seen worse," sagot n'ya.

"Okay," sabi ko at humarap na kay Michelle Alvaro para i-examine yung injury n'ya.

Sa nakita ko kanina, hindi pa naman protruding yung bone pero sa kagustuhan n'yang tarayan ako agad, mukhang nalimutan n'yang pilay s'ya. Ayan, sumilip tuloy yung buto n'ya. Tanga.

"How did you get this?" Tanong ko habang dahan-dahan na tinatanggal yung first-aid sling.

Natanggal ko na yung sling at lahat, wala pa rin s'yang sinasabi at grabeng self-control ata kinailangan ko.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now