Chapter 20

532 13 3
                                    

JASMINE

"Jasmine."

"What?" Tanong ko.

"Why?"

"Nakikinig ka ba? Diba sinabi ko na kainina na hindi ko alam?"

"Sabi ni David, tatanungin 'yan ng abogado ni Kurt. 'Yan isasagot mo?"

Inis akong napapikit kasi tang ina, these past few days ang bilis-bilis ko mapikon. Hindi naman ako gan'to; kasi ako yung namimikon, not the other way around. Hindi ko alam kung mainit lang ba ulo ko o talagang nakakainsulto yung pagkakatanong ni Zac sa akin. 

"You should've let that guy die. It wouldn't hurt anyone for a guy like that to die. Puta, mas magbe-benefit pa nga ata mundo kung mawawala yung tulad nila."

May gusto akong sabihin, dama ko pero hindi ko mahanap yung mga salita. Pero hindi ko rin naman naituloy kasi nakita ko si Minerva at kasama n'ya si Nathaniel at Alexis.

"Okay ka lang?" Tanong ni Minerva sa akin na nagpipilit tumawa.

"Are you okay?" Seryosong tanong ko pero ngumiti lang si Minerva. "Kabado ng slight," sabi ko na lang.

Umupo naman kami sa parang waiting room ata rito sa court. Basta ang narinig kong sabi ni David kay Zac nung nagtanong si Zac, yung isang pinto eh papasok daw sa court room.

"Wait lang," sabi ni Minerva at tumayo.

Sinundan ko s'ya ng tingin na lumapit kay Zac; hindi ko rinig yung pinag-uusapan nila pero feeling ko tungkol sa nangyari. Dumako pa yung tingin ko sa kamay ni Minerva, it's restless. She keeps on opening and closing it and whenever her hand was in a fist, I could see she's shaking.

Balak na atang kuhain ni Alexis si Minerva pero pinigilan ko s'ya.

"Girl, nanginginig s'ya," puna ni Alexis.

"I know, but she's trying. And look at Zac, he's being wary," sabi ko, "besides, if Minerva thinks she can't do it, she'll say it."

Pansin ko kasi na since sinimulan n'yang pansinin yung messages namin, parang mas naging open s'ya. Frankly, mas gulat pa akong hindi s'ya nagkukulong hanggang ngayon. Imagine our shock nang sinabi ni Alexis na bumalik na sa trabaho si Minerva. Ang aga kahit na sinabi ni Alexis na sinabi ni Atty. Mendez, tatay ni David, na she can take a long leave.

Kaya bilib ako sa babaeng 'to eh.

"Hindi ka ba kinakabahan kapag nagsasalita sa korte?" Tanong ko kay Alexis.

"Kinakabahan syempre, since hindi naman ako kasing dalas ni Minerva sa korte. More on corporate at civil cases ako."

"Wala ka bang tips d'yan? Kabado ako sa isang pwedeng itanong sa akin," sabi ko.

"Hindi mo naman kailangan sumagot agad sa tanong. You can take a few seconds to breathe and think. Sure naman akong kaya mo 'yan, hello? Literal na pinapasok mo kamay mo sa katawan ng tao."

"Paano kung hindi ko alam yung sagot kahit alam ko yung tanong?"

"Stall. Or paraphrase his question."

"Dios ko po. Kapag ako kinabahan pa ako sa oral boards ko."

"Gago," bulong ni Alexis habang tumatawa kaya natawa rin ako.

*~~*

"May tatlong araw kang bakasyon pero bakit pagod pa rin itsura mo?" Tanong ni Genesis. "Wala namang hearing these past 3 days ah?"

"Syempre nag-review ako," sabi ko at napahikab, "order ka nga ng kape."

"Hot or iced?"

"Iced na lang, yung kape na may halong chocolate."

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now