Chapter 14

495 12 1
                                    

JASMINE

"Jas, totoo ba?"

"Alin?" Tanong ko kay Krisha habang gumagawa ng progress notes.

"Nag-offer daw ng condo sa 'yo bukod sa salary raise yung Chief of Surgery para mag-renew ka ng kontrata?"

Kunot noo kong tiningnan si Krisha at hindi pa ako nakakapagsabi ng kung ano eh biglang sumulpot si May sa kung saan. At pinag-usapan nila ako na akala mo eh wala ako sa gitna nilang dalawa. Pumasok na lang ako sa office na nasa likod ng bawat nurse station at doon nagpatuloy sa pagsusulat ng progress notes pero muntik na ko mapatawag sa lahat ng santo dahil hanggang dito ba naman eh may member ng Tres Bitchesas.

Medyo nakakaasar yung pagtingin ni Steff sa akin pero hinayaan ko na lang. Ang dami ko pa naman kailangang gawin; progress notes, doctor's orders, transfer of services, discharges, rounds, at surgery. Wala akong time pumatol sa kahit ano o kahit sino ngayon.

Last day ko na kasi sa Andromeda Hospital; kind of. May ilang linggo pa talaga ako bago yung pinaka-last day ng kontrata ko rito as an Orthopedic Surgeon Resident. Pero nag-file na ako ng leave para sa remaining days ko tutal madami-dami akong hindi nagamit na paid at sick leave. Ang lapit na rin kasi ng board certification exam at two parts din 'yon.

Syempre sino bang ayaw makapag-aral nang maayos para sa isang exam na pwedeng makaapekto sa future mo?

"Naks, laman ng chismis," bungad ni Genesis nang makarating ako sa ward ng mga admitted patients. "In-offer-an din naman ako ng condo pero 'di naman ako nachismis."

"Ako magsimula ng chismis sa'yo, gusto mo?"

"Joke, 'wag na pala. Baka kung ano ipakalat mo."

Natawa na lang ako bago ako tuluyang dumiretso sa physician's room. Mga ilang oras ata akong nag-check up sa mga walk-in at may appointment. Tapos nag-rounds ulit ako kasama yung interns at med students na himalang hindi stuck sa charts. After talaga nung kapabayaan ni Julia sa isang pasyente non, hanggang paghawak na lang ng retractor yung mga interns.

Actually, they're still pretty lucky that they get to be involved in a surgery kahit na paghawak lang ng retractor ginagawa nila habang tinatanong ng residents o consultants. Kasi ang tanda ko dati nung intern ako, minsan nasisilayan ko lang yung OR sa gallery kapag hindi ako nakakatulog sa kaiikot sa ospital.

Medyo may seniority naman na ako kaya gets ko na kung bakit nasa interns yung paper work madalas. At yung stress ng mga residente at galit. Swerte lang nila na ayokong matulad sila sa akin na nabwisit nang sobra sa residente at consult na under ako noon. Kaya sinusubukan ko itanong sa consultant minsan kung may gusto ba s'yang intern na makasama sa OR.

"If I'm going home ba today, ihahatid mo ako?"

"Sinong kausap non? O nabuang na 'yon?"

"Gago," pabulong na saway ko kay Genesis saka s'ya siniko pero pareho kaming napabungisngis.

Nasa tapat kasi kaming dalawa ng room ni Michelle Alvaro, yung katabing room ay room ng pasyente ni Genesis. Kinunutan ko ng noo si Genesis dahil biglang parang ginagago uli ako ng itsura n'ya. Palipat-lipat pa yung tingin n'ya sa akin at sa room ni Michelle habang pataas-taas yung dalawang kilay.

Edi tiningnan ko na yung room ni Michelle; pero parang gusto ko manghampas bigla. Ayoko na nga sana ituloy yung pag-rounds kay Michelle kaso leche, huli naman na 'to. At nag-iinarte na lang naman na 'to na mag-stay sa ospital. Pwede namang bed rest na lang s'ya since last, last week.

Nung first week nga after ng surgery n'ya, gustung-gusto n'ya na umuwi; malay ko kung anong nangyari. Kulang na lang ata eh tumalon s'ya from second floor pababa ng lobby para mag-stay pa s'ya rito sa ospital. Kung 'di lang s'ya anak ng may-ari baka nakonyatan ko na 'to, napakaarte. Buti sana kung 'di ako apektado.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now