Chapter 22

515 8 3
                                    

ZAC

Sino ba yung hayop na 'yon?

Nakakailang dayo na ako rito sa Hyacinth pero 'di ko pa rin malaman-laman kung sino yung tukmol na laging kasama ni Jasmine. Tukmol si Genesis pero may isang bago eh, mukhang basahan yung isa; tapos may tatlong babae s'yang madalas kasama.

"Bro, umamin ka nga, may dinadayo ka talaga rito sa Hyacinth ano?" Tanong ni David kaya kinunutan ko s'ya ng noo.

"Pinagsasabi mo?"

"Dude, sina Eugene at Kurt mauuto mo pero kung makatingin ka sa labas para kang kriminal na nag-aabang ng target."

"Kung magiging kriminal ako, dahil lang binwisit mo 'kong hayup ka," sabi ko kay David at tinuon na lang yung atensyon ko sa pagkain.

Mayamaya lang eh dumating na yung mga gago na taga-Hyacinth din at kung anu-anong kalokohan na pinaggagawa nila. Si Mason at Kurt, ewan ko sa dalawang 'to at nagpaparamihan ng body count.

"Tang ina naman nitong laws, gan'to inaaral n'yo sa law school?" Tanong ni Nathaniel na sinara na lang yung binder n'ya.

Wala nga sana akong balak makinig sa kanila kasi akala ko gagaguhin lang ni David si Nathaniel pero hindi. Kaya nakinig ako habang kumakain; pakiramdam ko meron akong ganung subject din sa mga susunod na years.

Halos pare-pareho lang nangyayari; nag-aaral, gumagala, umuuwi sa amin, mapapaaway, at mapapadayo sa Hyacinth. Nabawasan lang nang gr-um-aduate sina Nathaniel, Alaric, at Mason doon.

"Pansin ko lang ah, hanggang laplap ka lang."

"Putang ina naman, Alaric," angal ko at pinunasan ko yung labi ko.

Kitang umiinom yung tao, tapos ganun sasabihin? Kahit gaano pa kalakas yun tugtog dito sa club, kung katabi mo yung magsasabi non at biglaan pa, mabibilaukan ka talaga.

"Oo nga ano? Lagi ka bumabalik ng table eh, unlike Mason and Kurt who never returns," sang-ayon ni Nathaniel.

"Bakit parang feeling ko hindi kayo mag-aalala pag 'di kami nakabalik?" Tanong ni Mason.

"Kung makikita namin kayo sa news, baka," sabi ni Eugene.

"Hindi kayo nanonood ng news," puna ni Kurt.

"Not me, I watch the news," sabi ni David.

'Tong mga gagong 'to, bini-big deal na hindi ako malalandi tulad nila. Pota, kailangan bang kapag iinom eh may mauuwing babae? 'Di ko naman pinakikialaman kalandian nila at choice ko naman na hindi makipag-sex sa bawat babaeng lumalandi sa akin sa club.

"I think he's into someone," biglang sabi ni Nathaniel na nagbubukas ng bagong bote, "and now that you mentioned it, oo nga hanggang momol ka lang."

"Oo nga na ano?" Tanong ko at kinuha yung lemon at shot glass ng tequila na may nakadikit na asin sa rim.

"Ay oo gago, may isa akong ka-blocmate na nagalit sa 'kin kasi nilayasan mo raw Zac!" Sabi ni Eugene.

Sumasakit yung ulo ko sa mga pinagsasabi nila kaya naman umalis na lang ako ng table namin at bumaba. Umupo na lang ako sa bar stool at um-order ng bote ng beer at 'di ko naman gusto pero napapaisip ako sa pinagsasabi nila.

"Akala ko sumasayaw ka na eh."

"Ulol," sabi ko kay David na umupo sa katabing upuan.

Hindi ako nalasing kaya ang ending ko eh babysitter ng mga gago na 'to. At as usual, nawawala na naman si Kurt at Mason kaya ang ending eh sa condo ko napunta 'tong mga lasing. Buti na lang hindi rin lasing si David kaya may katulong ako na bitbitin sila paakyat sa unit. Kapag ako talaga nakakuha ng susi sa unit ni Kurt, iiwan ko 'tong mga 'to sa unit n'ya nang malaman n'ya kung gaano kahirap maglinis.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysWhere stories live. Discover now