Kabanata 19

1K 38 9
                                    

Kabanata 19

Since the other day, Precy had been distant to me. Iniisip ko kung anuman ang nagawa ko upang iwasan niya ako pero wala akong ibang maisip na dahilan kundi si Ynna. She's not a fan of her. Isa pa, naalala ko rin ang naging opinyon niya sa ginawa kong pagtulong kay Ynna. Maaring 'yon nga ang dahilan.

"Pre—" pagtawag ko sa kaibigan pero imbis na ibigay sa akin ang atensyon niya ay tumingin na lamang siya kay Betty na nasa tabi niya.

"Mabuti pa na magpunta na tayo sa kusina," Precy said to Betty. Wala naman nagawa si Betty kundi bigyan ako ng tingin na siyang humihingi ng paumanhin bago siya tuluyang nahila nito.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Precy is the one I considered to be my closest friend and the way she treats me hurt me so bad. I understand her pero kailangan niya rin naman intindihin kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon.

There's nothing wrong in helping other people and even if it isn't Ynna, I am still willing to lend my hand. Mahirap bang intindihin 'yon?

"Bakit parang malungkot ka?"

Napatingin ako kay Gil na siyang nasa tabi ko na pala. I wanted to give him a smile even a faint one but I can't make myself to do it.

"Nalulungkot lang ako sa paraan ng pagtrato sa akin ni Precy. She treats me like I am inexistent."

"Gusto mo na kausapin ko siya?" he suggested.

I immediately shook my head. "Huwag na. Ako na lang."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Isa pa, gusto ko rin naman talaga siyang makausap," wika ko at tumango naman siya.

"Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong. Matigas pa naman ang ulo no'n ni Precy," he said that made me smile and nod a bit because what he said is really true.

Sa maikling panahon na nakasama ko si Precy ay mapapatunayan kong matigas nga ang ulo niya kaya naman madalas siyang mapagsabihan ni manang Minda.

However, the smile that I am wearing is erased as I remembered my situation with her. Ayokong mawalan ng kaibigan. I treasure our friendship a lot that it saddens me if it will just be ripped off.

"Bakit?" Gil asked with a lace of concernedness in his voice.

"Nakakalungkot lang kung sakaling hindi na namin maayos ang misunderstanding naming ito."

"Huwag ka nang malungkot. Sigurado naman akong magkakaayos ulit kayo. Gano'n naman talaga minsan sa magkaibigan, nagkakaroon ng problema pero sa huli ay nagkakabati rin."

"Sana nga dahil ayokong mawalan ulit ng mahalagang tao sa buhay ko," I said as I remember my parents.

I know that it was my decision to leave them. It was my decision to turn my back on them pero hindi naman ibig sabihin no'n na tinatalikuran ko na ang pagiging anak ko sa kanila. I don't want them to disown me even if I gave them the reasons to do so.

Minsan naisip ko kung worth it ba ang ginawa kong pag-iwan sa buhay na mayroon ako noon but now that my eyes find the man that my heart is beating, my doubt suddenly vanished.

Ngayon na naunawaan ko na ang sariling damdamin ay mas lalong hindi ko alam kung paano ko na haharapin ang panganay na anak ng mga Rivas.

Yes, he told me that he likes me but I can't let myself to tell him that same words especially now that my heart is breaking as I looked at him with that the same woman the other day.

Nakikita ng dalawang mata ko kung paano siya tumango sa kada sinasabi ng babae. He may have not give him that the same intense look as what he is giving me but my heart still aches as I watch them.

Where the Wind BlowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon