Kabanata 14

1.1K 47 4
                                    

Kabanata 14

Hindi pwedeng matuloy ang pagpapatayo ng Casa Soriano rito sa Costa Estrella. My life here is now at peace. Kapag natuloy ang  balak ng magulang ko ay malaki ang tyansa na matunton nila na nandito ako and I don't want that to happen.

I am sure that they will do everything that they can just for me to go back home and marry such stranger. Marami na akong naisakripisyo para lang mauwi sa wala ang lahat.

I needed do something in order for them not to pursue with their plans but I can't think of something.

"Pang-ilang buntong-hininga mo na iyan ah. May problema ka ba?"

Napatingin ako kay Precy na siyang nakatingin din nang mataman sa akin.

I wanted to tell her the truth. Gusto ko nang may mapaglalabasan ng lahat ng ito. But I know that I shouldn't. Mas inilalapit ko lang ang sarili ko sa kapahamakan kung sakali. The more that other people know my true identity, the more that my parents can track me. Malaki man ang Pilipinas pero walang imposible sa mga taong determinado. Baka nga naghire pa sila ng mga tao para lang matunton nila kung nasaan ako.

I should be extra careful now especially that they are coming nearer and nearer to where I am.

I shook my head as I continue on doing my job here in the caida.

"Tungkol na naman ba ito kay señorito Nathan?"

I almost let go of the vase that I am holding because of her sudden remark.

Ano naman kinalaman ng señoritong iyon sa problema ko?

"Mag-iingat ka nga bruha at sigurado akong kahit hindi ka swelduhan ng isang taon ay hindi mo pa rin 'yan mababayaran kung sakali ngang nabasag."

Inilapag ko muna ang vase sa mesa bago ko siya hinarap. "Precy, walang kinalaman si señorito Nathan dito."

"Eh ano ngang problema? Kung hindi si señorito Nathan ay ano? Akala ko ba magkaibigan tayo pero bakit parang napakadami mo naman atang sikreto. Ni wala nga kaming masyadong alam tungkol sa iyo," nagtatampo niyang saad.

"Of course, we're friends," I said. "I just can't tell you what is bothering me. It is a private matter. Sana ay maintindihan mo."

Hindi naman na niya ako inintindi at napunta ang atensyon namin kanila Betty at Dino na nandirito na rin pala.

"Malabs naman, tanggapin mo na itong mangga at pinaghirapan ko pa itong kunin,"  sabi ni Dino habang naglalakad na nakasunod kay Betty. He looks like a lost puppy following someone that doesn't like his presence.

Tumigil si Betty at hinarap ang lalake na may naiinis na ekspresyon. "Anong kinuha, Bernardino? Hiningi mo lang naman kaya 'yan. 'Tsaka isa pa, tigil-tigilan mo ko at ayaw kong kumain niyan ngayon."

"Eh di mamaya. O kaya naman bukas."

"Sige na, Betty. Tanggapin mo na. Kawawa naman iyan na manliligaw mo," natatawang wika ni Precy. I couldn't help but to smile also as I watch them.

Inismiran ni Betty ang lalake at padabog na kinuha ang inaabot nitong mangga. Pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad palayo sa amin.

Nginitian kami ni Dino at pagkatapos ay ibinalik niya ang kanyang tingin sa papalayong dalaga. "Malabs, sandali lang." Naglakad na rin siya nang mabilis upang maabutan si Betty.

Naiiling ang ulo ni Precy bago siya bumalik sa kanyang ginagawa. "Ewan ko ba riyan kay Betty at hindi man lang na-a-appreciate ang ginagawa ni Dino para sa kanya. Lagi niya pang sinusungitan eh mukha namang may gusto rin naman siya."

Where the Wind BlowsWhere stories live. Discover now