Kabanata 9

1.1K 46 9
                                    

Kabanata 9

As friday draw closer and closer, I can already feel the busyness of the people around. This is my first time to experience the party held by the Rivas and honestly I am excited for it. Kung may ikinababahala man ako ngayon ay iyon ang isiping wala man lang akong maibibigay sa amo ko sa kanyang kaarawan.

"Naku! Malulula ka na lang sa dami ng pagkain at bisita. Pati na rin ang pagkagara ng buong mansyon. Hindi papayag si señora na hindi paghandaan ang kada okasyon dito sa mansyon," ani Precy habang abala kami sa pag-aayos ng mga bulaklak na siyang gagamitin bukas.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Dylan. Ang sabi niya ay ayaw ni Nathan ng magarbong handaan pero ramdam ko pa rin ang preparasyon ng lahat.

"Mag-i-ilang taon na ba si Nathan bukas?" tanong ko dahilan upang mapatigil si Precy sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin na bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.

"A-anong tinawag mo kay señorito?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong.

"Nathan." My eyes also widens when I realized what I just said.

"Wow. Anong mayroon at hindi mo siya tintawag na señorito? Ikaw Lia ah. May inililihim ka sa akin," aniya na para akong bata na nahuling inagawan ng candy ang aking kalaro.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Hindi naman malaking bagay 'yon."

"Anong hindi malaking bagay?!" napalakas ang saad niya dahilan upang mapatingin sa amin ang iba pang kasamahan.

Akala ko ay titigil na siya pero parang wala siyang pakealam sa mga nag-i-isyusong tingin ng iba sapagka't ay nagsalita siyang muli.

"Wala pang kasambahay ang tinawag si señorito Nathan sa kanyang pangalan lang. Ikaw lang, Lia. Ikaw lang!"

"Precy, lower your voice," saway ko sa kanya sa maliit ngunit mariing boses.

Doon lang siya napatingin sa paligid namin at nakita niya ang mga matang mapang-usisa.

"Hindi kayo kasali sa usapan," aniya at napaismid naman ang karamihan bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa nila.

"Ano? Magsalita ka na," atat niyang sabi.

"Utos niya kasi na 'yon ang itawag ko sa kanya. Natatakot naman akong sumuway at baka kung anong gawin niya. Mahal ko ang trabaho ko," sabi ko at tumango naman siya.

Maya-maya pa ay naglakad si Ynna sa harapan namin at binangga niya ang mga bulaklak na inaayos ko dahilan upang magsihulugan iyon.

Napabuntong-hininga na lamang ako at sinimulang pulutin ang mga 'yon. Uulitin ko na naman ang ginagawa ko. Malapit na sana akong matapos eh.

"Inggit lang sa'yo 'yon dahil hindi siya pinapansin ni señorito Nathan." Rinig kong wika ni Precy pero hindi na lamang ako nagkomento pa at nagpatuloy na lamang sa aking ginagawa.

Nang matapos sa pag-aayos ng bulaklak ay sinunod naman naming linisan ang bulwagan. Napakalaki no'n at sigurado akong mapupuno iyon ng mga tao bukas ng gabi.

"Lia."

Napatingin ako sa gawi ni manang Minda na siyang naglalakad na papalapit sa akin.

"Tawag ka ni señorito Nathan sa kanyang silid," aniya at tinanguan ko naman siya.

Umalis na siyang muli upang ipagpatuloy ang pag-su-supervise sa iba pang nag-aayos.

I closed my eyes tightly before I sashayed towards the room of the beloved señorito. I sighed before I knock and enters the room.

Tulad ng dati ay naabutan ko siya sa kanyang working area na may tinatrabaho sa kanyang laptop.

"May kailangan ka po ba?" I asked nonchalantly.

Where the Wind BlowsWhere stories live. Discover now