Kabanata 31

1K 30 1
                                    

Kabanata 31

I slowly opened my eyes when the rays of the sun hits my face. Agaran akong napabangon nang mapagtanto kong wala ako sa room ko. I shut my eyes once again but it is tighter this time, trying to remember why I ended up sleeping on this beige and coffee-colored room.

My blood rose to my cheeks when a memory flashes in my mind.

I bit my lower lip and hastily shook my head. "No. I didn't do it. I didn't kiss him."

Pero kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko iyon ay malinaw sa aking isipan na ginawa ko nga ang bagay na iyon. I can still feel his soft lips that touches with mine. Wala sa sarili kong hinawakan ang aking labi na para bang bumalik ang nangyari kagabi pero agad ko rin iyong binawi. I covered my face with my palms and shook my head again.

What the heck got into me last night?

Ang sabi ko ay hindi ko hahayaan ang sarili kong mapalapit sa kanya pero ano ito at hinalikan ko pa siya? I don't want to be taken advantage of but here I am, doing the same. I took advantage of his sleeping ang drunken state. I took advantage of the circumstance.

I splashed the cold water on my face as I looked myself on the bathroom mirror, wishing that it is only a dream. But even though how hard I tried to convince myself, I know that it wasn't.

Why am I even affected by this? Sa tingin ko naman ay hindi naman niya alam ang ginawa ko. Ako ang talo kung patuloy akong mag-dwe-dwell sa bagay na 'yon.

Nang makarating ako sa dining room ay naabutan ko roon ang aking magulang na kumakain ng breakfast. Nathan is with them and I can feel his gaze on me. I didn't dare to even glance at him. Nagtungo na lamang ako sa tabi ni mommy at doon umupo.

"Good morning, hija. How's your sleep?" mommy asked me with her warm smile.

Na-pa-paranoid na ata ako at pati ang magulang ko ay pinaghihinalaan ko kung may alam ba sa ginawa ko.

Come on. That was a harmless question. I should not make a big deal out of it.

"Maayos naman po."

"Saan ka nga pala natulog? Nathan told us earlier na nagkamali siya nang napuntahang silid kagabi," si daddy naman ang nagsalita.

"Sa guest room po."

They nodded and continue on eating.

Inabot ko ang bacon pero ganoon din ang ginawa ni Nathan kaya nagtama ang aming kamay. It felt that some kind of electricity travels into me. I immediately let go of the plate.

"Ayos ka lang ba, Thalia? Why do you seem so tense?" nag-aalalang tanong ni mommy. Tumango na lamang ako nang marahan upang mapanatag siya.

"Lia."

Napatingin ako kay Nathan at inabot niya sa akin ang bacon. Nag-aalangan man ay tinanggap ko pa rin naman iyon.

"Careful," he said while giving me his playful stare.

"Thanks," saad ko pero dahil sa hina no'n ay sa tingin ko'y wala siyang narinig.

Ibinigay ko na lamang ang atensyon ko sa pagkain sa aking plato.

Why do I have to endure having breakfast with him? Kahit na kinakausap siya ni daddy tungkol sa negosyo ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin upang tingnan siya ay kay daddy naman siya nakatingin.

I must be paranoid. Why would he even stare at me, anyway?

"Any girlfriend?" tanong ni daddy.

Nathan laughed. "Wala ho and I don't think that I am willing as of the moment. Negosyo po ang pinagkakaabalahan ko."

Where the Wind BlowsWhere stories live. Discover now