Kabanata 7

1.3K 60 20
                                    

Kabanata 7

Today is another day of me working as a personal maid of se— err... Nathan. Everytime that I am near him, I couldn't helped myself but to feel the strange feeling that I don't know what is it called about. Kaya mas gusto ko pa ang dati dahil pagkainis lang ang nararamdaman ko sa kanya. But I know that I shouldn't be unfair to him.

Wala naman siyang ginagawa upang kainisan ko siya. In fact, he is treating me nicely in which I didn't expect of him. I regret that I judged him too quickly before.

I took a deep breath as I walked towards the main door of the Rivas' mansion. Nasa portico pa lamang ako pero bumukas na agad ang pintuan at iniluwa roon si Precy na siyang nakangiti na abot tainga at ang kanyang mga mata ay nagniningning nang dahil sa lubos na kagalakan.

"Lia!" she exclaimed as she runs towards me.

"Why?"

"Nakapagpaalam na ako kanila señora at pinayagan nila tayo."

A crevice is formed in between my eyebrows as I heard what she said.

"Huh? Paalam? Bakit? Where are we going?"

"Dora's house," biro niya dahilan upang paluin ko ang kanyang braso.

"Aray naman! Ang sakit ah," anito at hinihimas ang kanyang braso.

"Hindi mo kasi sinasagot ang tanong ko nang maayos eh."

"Ito naman. Hindi na mabiro." She smiled widely again. "Pupunta tayo sa dagat."

"Dagat?" I asked and she nodded her head earnestly.

"Nagpaalam ako kay señora na kung pwedeng magday off na muna tayo ngayon. At dahil mabait ang señora ay pumayag siya. Kasama rin natin sila Betty, Fara, Gil at Dino."

"That's great." My smile fades when I remember na kailangan ko pa rin magpaalam kay Nathan.

Nawala rin ang ngiti ni Precy. "Bakit? May problema ba?"

"Naalala ko lang kasi na kailangan ko rin palang magpaalam kay señorito."

"Gusto mo samahan kita?" she asked but I shook my head.

"Hindi na."

"Sigurado ka?" tanong niya at tumango naman ako.

Maglalakad na sana kami upang pumasok nang biglang naglakad si Ynna sa gitna namin.

"Haharang-harang kasi sa daan eh. Akala naman nila kung sinong magaganda." Rinig pa naming wika ni Ynna bago siya tuluyang nakalayo sa amin.

"Tss. Akala naman niya ay pinagpala siya. Mas matalim pa nga ang baba niya kaysa sa kutsilyo eh," naiinis na saad ni Precy dahilan upang mapatawa ako nang bahagya.

"Tara na nga, Lia. Inggit lang ang babaeng mukhang bakla na 'yon dahil hindi ko siya inaya," pagpapatuloy pa niya at nagsimula na kaming naglakad papasok sa pintuan.

Nang makarating kami sa may grand staircase ay naghiwalay na muna kami ng landas at sasabihan na rin niya sila Fara nang tungkol sa plano niyang pagpunta sa dagat.

My heart started beating unsteadily again when I am taking a step on this beautiful staircase. Mas lalo pa itong bumilis nang makita ko na malapit na ako sa kwarto ni señorito habang naglalakad sa pasilyo.

When I arrived at the frontage of his room, I sighed and tried to control my erratic heart and then I decided to knock. After that, I entered the room and in there I saw señorito Nathan in his simple shirt and shorts who is sitting in his working area while working something on his laptop.

Where the Wind BlowsWhere stories live. Discover now