Kabanata 17

1K 33 6
                                    

Kabanata 17

My mind can't comprehend what Nathan said to me. But maybe I can, I just wouldn't accept it.

Ang isang Nathan Aurelius Rivas magkakagusto sa akin? Me who is nothing but a pretender?

Sabagay. Who am I to judge if his feelings if I can't even judge mine? But still... I can't believe it. Napadpad lang naman ako rito sa Costa Estrella dahil sa aking iniiwasang engagement, hindi ko naman lubos na naisip na mangyayari ito. His confession is beyond real to me.

Ang pamunas na hawak ko ay biglang nahulog dahil sa kawalan ko sa sarili. Nang makuha ko na iyon ay agad akong nagbuntong-hininga at pinagpatuloy ang aking paglilinis.

If his words continue to bug me like this, I am sure that I won't finish any work. Even though it is confusing the hell out of me, kailangan ko muna iyong tanggalin sa aking isipan.

"Nandito ka lang palang bata ka."

Nilingon ko si manang Minda na siyang naglalakad papalapit sa akin. "Bakit po, manang?"

"Mabuti pang mamalengke ka muna at baka maubusan na tayo ng rekados."

Tumango naman ako sa sinabi niya. Matagal-tagal na nga rin ang huli kong pamamalengke. Kailan nga ba ulit iyon?

"Heto ang listahan ng mga bibilihin mo," aniya at inabot na sa akin ang papel na siyang agad ko namang tinanggap.

"Sige po. Hahanapin ko na si Gil upang makaalis na kami," wika ko at tumango naman siya.

"Mag-iingat kayo."

"Opo," I said and I turn my back from her. Nagtungo ako sa backdoor upang doon na dumaan. Kapag dumaan pa kasi ako sa bulwagan ay malaki ang tyansa na makasalubong ko pa si Nathan na siyang ayaw kong mangyari. I still don't know how to act around him after his confession yesterday.

Naglalakad ako patungo sa courtyard dahil baka naroon na si Gil at hinihintay ako ngunit napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko ang huling taong nais kong makita ngayon.

Napasinghap ako nang dumako ang kanyang tingin sa akin. The side of his lips curved slightly upwards. Iniwas ko ang tingin ko at minabuti nang magpatuloy sa paglalakad.

Pero ang taksil na kapatid ng lalakeng iniiwasan ko ay agad tinawag ang pangalan ko dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad. I heard their steps walking towards me that made my heart race.

"Saan ka pupunta?" nakangiting tanong ni señorito Dylan.

I tried my best not to look at the man beside him but my eyes keeps on betraying me. I saw him shot his eyebrow upwards that made me return my gaze to the youngest señorito.

"Mamalengke lamang, señorito."

"Oh market. Pwede kang samahan ni kuya kung gusto mo," ani señorito Dylan at pagkatapos ay tumawa.

I shook my head instantly, afraid of his suggestion. "H-hindi na. Kasama ko naman si Gil at isa pa ay baka makaabala lang ako dahil siguradong matatagalan ang pamimili ko."

"Are you sure?" tanong muli ng nakakabatang señorito na siyang himig pa rin ang paglalaro roon.

I nodded and averted my gaze towards them.

"Sasamahan na kitang puntahan si Gil."

My system is being alerted as I heard Nathan's baritone voice. I looked at him and shook my head in disapproval.

"H-hindi na."

"I insist."

"Sige na, Lia. Don't be shy. Hayaan mo na si kuya," ani señorito Dylan na may nakapaskil pa ring mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. I nodded my head gently.

Where the Wind BlowsWhere stories live. Discover now