CHAPTER 52

139 6 0
                                    

Special thanks to ItsmebaBypiscesS for always supporting every chapters!!


SAPPHIRE ARAGON

Iniwan ko muna kay Scinna ang pag aayos ng gamit ni Kei para bumaba ako saglit at puntahan si kuya Miguel sa baba dahil may mga gamit pa na kailangan dalhin.

"Hi miss Sapphire!" bati sakin ng isang nurse habang pababa ako. Nahihiyang ngumiti naman ako sa kanya bago magpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating ako sa baba ay may mga ilang reporter na naman akong naabutan.

Sinubukan Kong magtakip kaunti ng mukha dahil for sure kakausapin na naman nila ako tungkol Kay Kei.

Palabas na sana ako ng pinto ng biglang may humarang sakin."Where are you going!"malakas na sabi niya dahilan para mapatingin sa pwesto namin ang mga reporter.

Agad na nag unahan sila sa paglapit"Miss Saph, kamusta na po si Miss Kei?"

"Ano na pong lagay niya ngayon?"sunod-sunod na tanong ng reporter.

'Sabi na eh, kaya ayaw Kong magpakita. Kainis kasi itong Chantalnas na 'to eh'

"What are you doing here?"tanong ko naman sa kanya.

"It's none of your business" mataray na sabi niya.

"Si Kei ba pupuntahan mo?"

"Of course not, I'm here because I heard Rust was here"sabi niya sabay irap.

'Ang Arte talaga, likas kaya kaartehan nito?'

Nag cross arms ako at tinaasan siya ng kilay "Umalis na si Rust kanina pa, kaya pwede ka na rin umalis"

"Ow really, Mabuti naman" natutuwang sabi niya bago ako talikuran pero hindi pa man siya nakakalayo ay bigla siyang huminto sa paglalakad.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil nakita ko na si kuya Miguel na nagbababa ng gamit kaya naman tumakbo na ako at lumapit sa kanya.

"Kuya Miguel, Mabuti naman naka punta ka dito" sabi ko ng makalapit.

"Yes. I have free time"seryosong sabi niya at binuhat ang dalawang basket ng prutas.

Kinuha ko naman ang isang medium size na bag "Ito lang ba?" Tanong ko pero Hindi sumagot si kuya Miguel kaya inulit ko."Hello, ito lang ba?"sa iba siya naka tingin kaya siguro hindi niya na naman ako narinig.

'Ito lang siguro'

Sabi ko pa sa isip ko bago isara ang pinto ng kotse. Mauuna na sana ako pero napansin ko si kuya Miguel na seryosong nakatingin kung saan nandon si Chantal kaya naman napangisi ako.

"Ganda noh, maldita nga lang" sabi ko bago maunang mag lakad.

Hindi ko na pinansin si Chantal na nakatayo pa din at nilagpasan ko nalang siya.

"Tita ito na po yung ibang gamit" sabi ko ng makabalik.

"Where's kuya Miguel, Saph?" Tanong ni Kei.

"Nandiyan na paakyat narin yun" sabi ko at pumunta nalang Kay Scinna.

---

CHANTAL MONTEFALCO'S POV

I was surprised to see Miguel get out of the car, I wasn't expected that Sapphire was telling the truth. I watched the news about Aragon's, it's true that Kei is his sister.

I don't know what to do right now especially since Miguel is here and looking at me badly.

Hindi ko na napigilang tawagin siya."M-miguel" I was scared of his appearance because he was serious while leaning against the car.

A Fan Girl Turn Into CelebrityOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz