CHAPTER 8

166 10 0
                                    

KEI'S POV

"Kei anong oras uwi mo mamaya?"tanong ni Saph habang kumakain kami ng umagahan dahil sabay kami sa pagpasok sa kanya-kanyang trabaho.

"Depende kung anong oras matatapos yung taping"sagot ko.

"Okay"nalulungkot na sabi niya. kilala ko na yan si Saph kapag ganyan yan parang nagpapa-awa.

"Hindi pwede"sabi ko sa paraan na ng aasar."Gusto mo'ng sumama di' ba?"

"Tsk pwede naman kasi akong hindi pumasok"

"Mabo-bore ka lang dun"

"Hindi noh ang sarap kayang panoorin ni Rust"

"I know".."Bilisan mona ngang kumain baka ma-late pa tayo pareho"

Habang kumakain ay nagcheck muna ako saglit ng phone at nakita ko nga na may message dun galing kay Barns kaya binuksan ko iyon at binasa.

FROM: Barns

Kei where are you? maaga tayong magsisimula hinahanap ka na ni direct at naiinip narin si sir Rust kaya ipina-text ka na niya, pumunta kana dito asap.

8:51 AM

Pagkatapos ko'ng basahin ay nag reply ako sa kanya na papunta narin ako.

TO: Barns

On the way..

sent at 8:58

Minadali ko na si Saph na kumain at sabay na kami na umalis ng bahay nangulit pa siya sakin na kung pwede daw ba siya sumama pero sinabi ko na hindi na dahil baka maraming customer sa resto. Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit pa.

Nang maka-alis kami ay naghiwalay na kami dahil magka-iba ang sasakyan namin lalo na't pareho kaming naka commute ngayon sinabi pa nga ni Saph na gumamit nalang daw ako ng kotse para hindi ako mahuli at baka ma-traffic pero hindi ako pumayag.

Nang makarating ako ay naabutan ko sa labas na may mga reporter na nakaharang at mga nakakalat. Nilagpasan ko sila at pumasok ako sa loob hinanap agad ng paningin ko si Barns na mabilis ko namang nakita dahil nakatayo ito at parang hindi mapakali kaya nilapitan ko siya agad napatingin naman siya sa akin kaya nginitian ko ito pero nakikita ko sa mukha niya na parang naiinip siya na ewan.

"Hi Barns"bati ko rito ng makalapit ako sa kanya."Bakit ang daming reporter dito, di' ba may taping?"

"Oo nga eh, bakit ngayon ka lang kasi kanina ka pa hinahanap dito"

"B-bakit"nalilitong tanong ko.

"Gusto ka kasi nilang makita"

"Hah..bakit daw"gulat na tanong ko.

"Syempre girl ikaw ang ka-loveteam ni sir Rusty kaya ikaw ang hinahanap"

"Oh you're here"sabay kaming napalingon ng magsalita si Rust mula sa likod ko."Let's go"

"Huh..saan?"tanong ko pero hindi na siya sumagot at umalis na sa harapan namin at pumunta sa mga reporter na ngayon ay nagkakagulo na.

"Tara Kei"hila sakin ni Barns palapit sa pwesto kung saan nandun si Rust at ng makalapit kami ay agad naman akong inakbayan ni Rust kaya nalilito ko siyang tiningnan pero nginitian niya lang ako bago tumingin sa mga reporter na nasa harapan namin.

"Sir Rust sino po iyang kasama niyo?"

"Siya na po ba ang bago niyong ka-loveteam?"

"Ano po ang pangalan niya sir Rust"

"Bakit siya po ang napili niyo?"

Sunod-sunod na tanong ng mga reporter kay Rust. Hindi naman ako mapakali hindi lang dahil sa pagkaka-akbay sa akin ni Rust kung di' rin sa mga camera na nakaharap sa akin lalo na at hindi ako sanay alam ko rin na sa pagkakataong ito ay ipinapakita na kaming dalawa sa t.v kaya kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now