CHAPTER 50

139 7 0
                                    

KEI'S POV

Nagising ako ng tahimik ang paligid at tanging puting ilaw lang ng kisame ang bumungad sakin.

Pakiramdam ko sobrang bigat ng katawan ko at ang sakit ng ibang parte ng katawan ko, kumikirot din ang ulo ko.
Sinubukan kong kumilos pero hindi ako makagalaw ng maayos.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Kei"rinig kong boses ni Saph."Thanks God you're awake!"nag-aalalang tanong ni Saph ng makalapit.

"Saph, nasan ako?"hindi muna siya sumagot at ipinatong ang bitbit niyang paper bag sa side table.

"Kamusta na pakiramdam mo? anong masakit sayo?"tarantang tanong niya.

"Medyo masakit pa katawan ko, ano bang nangyari?"

"Hindi mo matandaan, ako nga dapat nagtatanong niyan eh?"

Bigla kong inalala ang mga nangyari kanina pero ang natatandaan ko lang ay may batang tumatawid at iniwasan ko kaya ako nabangga.

"Hindi ko gaanong matandaan eh"sabi ko kay Saph.

"Saglit lang aayusin ko pagkain mo, for sure gutom ka na"sabi niya at sinimulan ayusin yung pagkain na dala niya.

"Ngapala kasama ko sina Tiffany at Scinna kanina pero umalis din sila saglit para isara muna yung resto"ipinatong niya yung lugaw at inalalayan akong umupo.

"Thank you!"

"Oh kumain ka muna"abot niya sakin ng lugaw."Masyado ka ng nalipasan ng gutom"

Nagtataka naman akong tumingin sa
kanya.

"Halos dalawang araw kana dito, akala nga namin di ka pa gigising eh"nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napatigil ako sa pagkain.

"Dalawang araw?"gulat na sabi ko.

Magsasalita pa sana si Saph ng biglang may kumatok.

"Excuse po may bisita po kayo!"sabi ng nurse na pumasok.

Biglang pumasok sa isip ko si Rust hindi ko alam kung bakit. Lumaki ang awang ng pinto at pumasok ang nurse kasunod si.."Vince?"biglang tawag ni Saph. Lumapit din sakin ang nurse.

"Check ko lang po kayo ma'am!"nurse.

"Sige!"sagot ko.

Naglakad papunta sa pwesto ko si Vince na may dalang bulaklak at mga prutas, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, napa inda ako ng kaunti.

"Ow I'm sorry!"biglang hiwalay niya sakin."Anyway this is for you"abot niya sakin ng bulaklak at ipinatong niya naman sa lamesa ang dalang prutas.

"T-thank you"napatingin naman ako kay Saph na tahimik lang.

"How are you, I'm sorry Kei it's my fault dapat sinamahan nalang kita, hindi sana ito mangyayari"

"H-hindi Vince, hindi mo kasalanan, aksidente lang naman ang nangyari"

"Excuse po!"sabi ng nurse matapos ang ginagawa.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now