CHAPTER 43

121 8 0
                                    

KEI ARAGON

Ilang araw na ang lumipas magmula ng makapasok ulit ako bilang artista kaya naman ng magsimula kami sa taping ay palagi na akong sinusundo ni Vince para lang sabay kaming pumunta at kapag naman tapos na ang shoot ay inihahatid niya ako pauwi sa bahay.

Sinusubukan kong tumanggi sa kanya paminsan-minsan dahil hindi ako sanay sa ginagawa niyang paghatid at sundo sakin lalo na at nakikita yun ni Sapphire at alam kong hindi man aminin ni Saph ay alam kong nasasaktan siya.

Kapag naman wala kaming taping ay pumupunta parin si Vince sa bahay para bumisita at doon narin siya minsan kumakain ng lunch.

Bihira ko namang makausap si Saph dahil mas lalo pa siyang nagiging abala sa business niyang restaurant kaya naman si Zeph lang ang madalas kong nakakausap kapag nasa bahay dahil sa tuwing uuwi ako ay tulog na si Saph at sa umaga naman ay hindi narin kami gaanong nakakapag-usap dahil minsan mas maaga akong umaalis sa kanya.

Si Zeph narin ang nagluluto ng pagkain namin at mabuti nalang marunong siya. Nasabi niya narin samin ni Zeph na mahigit isang linggo nalang siya mag e-stay at babalik na ulit siya sa Cebu para asikasuhin naman ang business nila tita at tito.

"I love you in a way you never knew and now you know I will never let you go, so please do the same way"pagkatapos niyang sabihin yun ay hinapit niya ang bewang ko sabay hawak sa pisngi ko at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sakin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ako makakilos at hindi ako makapag-isip.

Ilang pulgada nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko at nararamdaman ko na ang paghinga niya kaya naman wala sa sariling napa pikit nalang ako.

"Okay, cut!"bigla kong namulat ang mata ko ng marinig ko ang sigaw ni direk."It really looks real Kei and Vince. Magaling!"bati niya pa samin ni Vince.

"Thanks direk"sagot namin ni Vince.

"Okay so let's take a break before we continue the shoot"dagdag pa niya.

"So Kei, where do you want to eat?"naka-ngiting tanong ni Vince kaya naman tumingin ako sa kanya.

"Ikaw bahala ka, san mo ba gustong kumain?"tanong ko naman.

"Up to you"

"Maghanap na lang tayo ng malapit na pwedeng kainan dito"suggestion ko.

Saglit lang kaming nag-ikot bago makahanap ng malapit na restaurant dito.

Pumasok kami agad sa loob at naghanap ng pwesto, nagulat pa ako ng makita ko si Chantal at Rust na dito rin kumakain.

Unfortunately halos katabi lang ng pwesto namin ang pwesto nila kaya naman agad nilang napansin ang pagdating namin.

Agad na nagtama ang tingin namin ni Rust pero agad rin naman akong umiwas ng tingin at inalalayan naman ako sa pag-upo ni Vince.

"Thank you!"sabi ko kay Vince nang makaupo ako.

Hindi ko alam na magkaayos na pala si Chantal at Rust, ang buong akala ko ay nagalit si Rust kay Chantal ng malaman niya ang totoo pero mukhang okay lang naman pala sa kanya yun.

Kung sa bagay hindi naman na siguro iba sa kanya si Chantal kaya hindi niya magawang magalit.

Lumapit naman samin ang waiter at iniabot sa amin ang dalawang menu at ng makapili kami ni Vince ay agad kinuha ang order namin bago umalis.

Ilang minuto lang at dumating narin ang order namin na halos kasabay lang ng order nila Chantal.

'Ibig sabihin halos magkasabay lang kaming pumunta dito'

A Fan Girl Turn Into Celebrityजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें