CHAPTER 29

137 9 0
                                    

KEI'S POV

Pagkarating ko sa mall ay dumaan muna ako sa comfort room bago pumunta sa boutique kung saan parati kaming bumibili ni Saph ng mga gamit.

"Good afternoon miss Kei!"bati sakin ng babae at tinanguan ko naman.

Namili ako ng mga gamit na pwede kong gamitin kapag may outing o lakad para naman prepare na ako kung meron man, naisipan ko ring ipamili na si Saph besides alam ko naman na ang taste nun pagdating sa mga gamit.

Pagkatapos kong makapili ay iniabot ko na lahat sa sales lady ang mga ipinamili ko at siya na ang pumunta sa counter, agad ko namang iniabot ang pera sa kanya.

Gusto ko pa sanang maglibot kaya lang medyo nakakaramdam na ako ng gutom kaya naman naisipan kong umakyat sa third floor para maghanap ng pwedeng kainan.

Magsasara na sana ang pinto ng elevator ng biglang may humabol kaya naman bumukas ulit ito.

Hindi ko inaasahan ang taong makakasabay ko kaya naman nagulat ako ng magtama ang pangin naming dalawa.

"Kei"

"R-rust"

Nakakaramdam ako ng hiya kaya naman mas pinili ko ang manahimik sa tabi, pareho kaming walang kibuan.

Pasimple akong tumitingin sa kanya habang siya naman ay nakatagilid din sakin.

Hindi ko maipagkakailang lalo siyang gumwapo sa suot niyang blue and white na long sleeve at umabot lang hanggang sa kanyang siko habang naka faded pants siya at sneaker.

Amoy na amoy ko rin ang gamit niyang pabango na pamilyar na sa pang amoy ko.

"How are you?"nagulat ako sa biglang tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya na mas lalo kong ikinagulat dahil nakatingin na pala siya sakin.

"Ahm.."sabi ko sabay lunok."O-okay naman, ikaw?"

"I'm fine"Ngumiti nalang ako sa kanya bago nag-iwas ng tingin."Kei I have something to tell you"sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Ano yun?"

"I just wan--"

Napatili ako ng biglang namatay ang ilaw ng elevator at bigla itong huminto.

Napasandal ako sa gilid dahil muntik na akong matumba, hindi ko gaanong makita si Rust dahil sa dilim kaya naman naisipan kong tawagin ang pangalan niya.

"R-rust?"tawag ko pero walang sumasagot.

Kinabahan ako iniisip ko na baka multo lang ang kasama ko kanina pero sa tingin ko naman ay totoo siya.

Sinubukan kong tawagin ulit ang pangalan niya pero hindi parin siya sumasagot kaya naman napagpasyahan kong ibaba muna ang mga dala ko at sinubukan kong mangapa sa mga gilid dahil baka nandun lang siya.

Muntik pa akong masubsob sa unahan dahil hindi ko akalaing nasa gilid lang pala siya.

Umupo ako sa tabi kaya naman naramdaman ko ang bigat ng paghinga niya.

"Rust are you okay?"nag-aalalang tanong ko at umupo sa tabi niya.

"K-kei, I-Ican't breath"nahihirapang sabi niya kaya naman agad akong nataranta.

"Ano, pano, bakit?"sunod-sunod na tanong ko.

"Nahihirapan akong huminga Kei"ulit niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman sinubukan kong kapain ang bag ko at kunin dun ang dala kong tubig at ipina-inom ko sa kanya.

"Ano okay ka na?"hindi siya sumagot kaya naman inakbayan ko siya at isinandal ko sakin para naman maging maayos ang upo niya."Relax ka lang okay"sabi ko para pakalmahin siya.

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon