CHAPTER 45

124 7 0
                                    


KEI'S POV

"Okay guys so tomorrow, rest day muna tayo okay"sabi bi direk.

Sumenyas naman siya sakin na lumapit ako sa kanya kaya naman saglit na iniwan ko ang pag-aayos ng mga gamit.

"Yes direk?"tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

"Kei, you better get ready for your next scene with Chantal and Rust"

"Huh pero wala pa po kaming alam ni Vince tungkol diyan"nagugulat na tanong ko.

"I know. That's why I'm telling you now"

"P-pero kailan po yun?"

"I don't really know what's the exact date but as soon as matapos niyo ang scene niyo ni Vince dun namin sila ipapasok. Okay!"

Agad na tumango naman ako."Okay po"

"By the way, alam na nila Rust ang tungkol dito"

"Direk if you don't mind, I don't think if I can work with Chantal after what happened"nahihiyang sabi ko.

"Well about that I know na nasabi ko na sayo na naka-usap ko na si Chantal tungkol diyan and--"

"Ayaw niya pong mag apologize"dugtong ko sa sinasabi niya. Tumango naman si direk

"But don't worry Kei for sure hindi naman na mauulit ang bagay na yun and I already talked to your mom about that. Ako na ang nag sorry about Chantal's behaviour"

"Hindi mo naman po kailangang gawin yun but still thanks direk"

"No problem, isa pa nahihiya ako sa mama mo, you know naman na we're friends since high school right"nakangiting tumango naman ako.

"Let's go Kei"sabat ni Vince na saglit kong liningon at ibinalik ang tingin kay direct para magpaalam bago umalis.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay kaming umalis ni Vince."Nasabi sakin ni direk na makakasama daw natin sila Rust, right after matapos yung scene natin"

Sabi ko kay Vince habang naglalakad kami papunta sa kotse niya."Are you fine with that?"

"Well hindi narin naman masama siguro kailangan lang namin mag adjust sa isa't-isa"sabi ko.

Nang makalapit kami sa kotse niya ay inalalayan niya agad akong makapasok sa loob at ipinagsarado ng pinto. Pagkatapos ay umikot siya para maka upo sa driver's seat.

"Ikaw, okay lang ba sayo na kasama si Rust"tanong ko ng makaupo siya.

Binuksan niya ang car engine"I don't know besides this is the first time na makakasama ko siya sa palabas, you know na magkaiba kami dati right and hindi rin talaga kami pinagsasama because we're competing with each other"mahabang paliwanag niya.

"Kung sa bagay"

"Let's see. Anyway where do want to eat for dinner?"tanong niya at nagsimula ng paandarin ang kotse.

"Pwede mo namang ihatid na ako sa bahay tutal maaga pa naman"suggestion ko.

Umiling siya."Yeah right maaga pa kaya lumabas na muna tayo"

"Okay sige"pag-sang ayon ko.

"Alright, saan mo gusto?"tanong niya. Nagkibit balikat nalang ako dahil wala akong maisip ang mas iniisip ko kung paano ko siya kakausapin about sa ginawa niyang panliligaw sakin.

Siya na ang nag desisyon kung saan kami pupunta at maya-maya lang ay nasa tapat na kami ng isang malaking restaurant.

Sabay na bumaba kami at pumasok sa loob. Pagkapasok pa lang namin ay pinagtitinginan na kami ng mga tao siguro dahil nakikilala nila kami.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now