CHAPTER 47

128 7 0
                                    

KEI ARAGON

"Saph, sigurado ka na ba na aalis ka?"rinig kong sabi ni Zeph pagkapasok ko sa bahay.

Nakaupo silang dalawa sa sopa at nag-uusap, hindi nila napansin ang pagpasok ko.

"Okay narin yun, gusto ko rin munang lumayo saglit"sagot ni Saph.

Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila."Kei, kanina ka pa diyan?"si Zeph.

Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa kanila at umupo sa single sofa."Aalis ka?"walang ganang tanong ko kay Saph.

Ang totoo wala talaga akong idea sa pinag-uusapan nila.

Hindi sumagot si Saph kaya naman kay Zeph ako tumingin."Tumawag si tita sa kanya last week and gusto siyang papuntahin sa America para mag asikaso ng business"paliwanag ni Zeph.

Kaya siguro pinapapunta dun si Saph ay dahil nandito si Kuya Vien at wala silang katulong sa business.

"Kailan ang alis mo?"tanong ko ulit kay Saph. Saglit na tumingin siya sakin bago nag-iwas ng tingin. Nakita ko pang nag punas siya ng mata bago ulit humarap sakin.

"Next week"sagot niya.

"Bukas na alis mo Zeph di' ba?"tumango naman sakin si Zeph.

Ako nalang pala ang maiiwan dito mag-isa. Mula pala nung nakaraan hindi ko pa nakaka-usap si Saph tungkol sa nangyari kaya dapat bago siya umalis magkaayos na kami.

"I'm sorry!"

"Tss"nakangiting singhal niya."Sorry rin dahil nadala lang ako ng nararamdaman ko. Thanks to Zeph dahil kinakausap niya ako kapag nasa taping ka and siguro nga dapat tinanong muna kita kung ano ba talaga ang totoong nangyari"

"Hindi ko alam kung Anong iniisip mo pero walang nangyari"

Nagkatinginan Pa ang dalawa bago mag react. "Walang kiss na nangyari?"gulat na tanong ni Saph.

Napakunot ang noo ko bago naiiling na tumango ng malaman kung ano ang iniisip nila. Kaya naman pala ganun sila kung makapag react.

Ikinwento ko sa kanila ang mga nangyari nung araw na yun.

"Seryoso, ang akala ko talaga hinalikan ka niya"hindi makapaniwalang sabi ni Zeph.

Nakita ko naman na seryoso parin ang mukha ni Saph."Okay ka lang ba? nagtatakang tanong ko.

Napangiti siya."You know kahit naman tinanggihan mo siya at sinabi niya sayo ang dahil kung bakit ka niya niligawan ay wala Pa rin namang magbabago.

"What do you mean?"

Napabuntong hininga siya." Di' ba nasabi niya na may gusto silang iba"

Tumango ako kaya mas lalo silang nalungko. Instead na pag-usapan namin ang about dun ay iniba ko nalang ang topic.

"Mamimiss kita"nalulungkot na sabi ko.

"Ako rin, ilang araw ba naman tayong hindi nagpansinan"

"Ikaw may kasalanan"biro ko.

"Anong ako, si Vince kaya"sabi niya.

"Hep tama na yan baka mag-away na naman kayo"awat ni Zeph."Group hug nalang tayo"suggestion ni Zeph.

Nagyakapan kami bago bumitaw sa isa't-isa."Mami-miss ko kayong dalawa"naiiyak na sabi ko.

"Ako rin Kei, sayang di' tayo nakapag bonding ng mas matagal"naiiyak na sabi ni Zeph.

"Sorry busy sa taping eh"

"Okay lang, there's always next time naman kung gugustuhin"si Zeph.

"Saph, aalis ka ba talaga?"Tanong ko.

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon