CHAPTER 32

136 7 0
                                    

SAPPHIRE'S POV

Baliw talaga to'ng si Kei, lagi nalang kaming iniiwan ni Vince kapag kaming tatlo lang ang magkasama.

Naiilang tuloy ako ngayon dahil kaming dalawa na naman ni Vince ang naiwan.

"Are you guys, busy?"tanong ni Vince.

"Ah oo eh, ngayon kasi darating yung kaibigan namin, si Zeph"Nahihiyang sabi ko.

"Really, sorry wrong timing pala ako"Sabi niya bago kinuha ang carbonara na nasa tapat niya.

"Ah hindi naman, actually katatapos lang namin magligpit, yung kwarto nalang ni Zeph ang hindi pa naaayos"

"Ah okay"

"Ah Vince"nahihiyang tawag ko sa kanya.

"Yes?"

"Tatanungin ko lang sana kung gusto mong sumama samin nila Kei at Zeph?"

"Hmm saan?"

"Naisipan kasi naming mag bonding tatlo and nag decide kami na mag outing"

"Sure no problem, sige sasama ako" Sagot niya habang patuloy sa pagkain

"Talaga?"natutuwang sabi ko.

"Pero okay lang ba sa kanila, di' ba sabi mo bonding niyong tatlo"

"Okay lang yun sa kanila and mas okay narin na may kasama kaming lalaki, mahirap na kapag nagka problema tsaka ipapakilala karin namin kay Zeph"

"Well you're right, kailan ba?"

"Hindi ko pa sure, maybe the day after tomorrow, I'll text you if anong oras namin mapag-usapan"

"Should I pick you up?"

"Kung okay lang sayo, ahm mas mabuti narin kasi kung isang kotse lang ang gamit"

Nagkwentuhan Pa kami at mayamaya lang din ay nagpaalam na si Vince.

"Okay, so I have to go na Saph, thanks for inviting me"paalam niya.

Tumango naman ako kahit na ang gusto ko ay maka-usap pa siya ng matagal."Sure, you're welcome"

"Sorry for disturbing you guys!"Tumayo na siya kaya naman tumayo narin ako.

"No problem, anytime"

Inihatid ko siya palabas at nang Makarating kami sa tapat ng kotse niya ay humarap siya sakin kaya naman naka ngiti ko siyang tiningnan."Thanks sa carbonara, nagustuhan ko"

"S-salamat"nahihiyang sabi ko kahit na hindi naman niya alam na ako ang nagluto nun.

Tumango siya bago mag paalam.
"Bye, drive safely!"

"Thank you!"pagkasabi niya ay pinaandar na niya ang kotse at tinanaw ko siya palayo.

Bumalik na ako sa loob at naabutan ko si Kei na naglalapag ng platito at tinidor sa table.

"Umalis na si Vince?"tanong niya.

"Oo, akala niya nga naka istorbo siya eh"

"Well talaga naman"natatawang sabi ni Kei at nag peace sign Pa.

Umupo ako sa mahabang sofa at kumuha ng cake na dala ni Vince kanina, habang si Kei naman ay kumuha ng inumin sa ref."Baliw ka talaga mabuti nga bumisita pa dito eh, este binisita ka pa"

"Sus, selos ka naman"

"Sinong hindi"

"Sayo nalang yang bulaklak"sabi pa niya habang inilalapag ang baso at pitchel sa lamesa.

"Tch wag na, sayo binigay eh"nagtatampo kunwaring sabi ko.

"Tss.."

"Tapos ka na ba magligpit ng kwarto ni Zeph?"

"Yup, pinalitan ko lang yung cover ng unan pati na rin yung bedsheet then nagwalis lang ako, di' naman ganun ka kalat eh"

"Hmm...Ngapala I invited Vince to come with us"

"Sa outing nating tatlo?"

"Yes"tumatangong sabi ko pa.

"So..anong sagot niya"

"Ofcourse pumayag siya. Okay lang naman sayo di' ba?"tanong ko kay Kei at hinihiling na sana sumang-ayos siya.

"Well okay lang naman sakin, mas mabuti nga yun eh and magkakakilala rin sila ni Zeph"

"Hm..sinabi ko rin sa kanya yan"

"Mas lalo rin kaming makakapag bonding ni Vince kapag ganun"nang-aasar na sabi ni Kei.

"Talaga ba, isama ko kaya si Rust"pang-aasar ko rin sa kanya.

"Kung maisasama mo"naiiling na sabi niya. "And kapag inaya mo yun baka sumama pa si Chantal"

"As if naman iimbitahin ko yung Chantalnas na yun"naiinis na sabi ko.

Natawa ulit si Kei."Kahit di' mo yun e-invite sasama parin yun, alam mo namang naka dikit yun kay Rust eh"

"Selos ka naman"

"Psh..sinong hindi"pang gagaya niya sa sinabi ko kanina kaya naman pareho kaming natawa.

"Mag pinsan nga tayo, parehong selosa"naiiling na sabi ko.

"Mas selosa ka nga lang"

Hindi naman talaga ako as in nagseselos dahil kay Kei, well hindi ko naman siya masisisi kung siya ang gusto ni Vince and isa pa hindi naman talaga mawawala ang 'selos' nararamdaman naman talaga yun lalo na kapag yung taong gusto mo ay may gustong iba o kaya naman napapasaya o malapit sa iba.

Kahit naman siguro kahit sino pwedeng magselos, at hindi naman ibig sabihin na hindi kayo in a relationship ng tao ay wala ka ng karapatan mag selos, haler for pete's sake walang kinalaman ang label sa nararamdaman, I mean hindi dahil may nararamdaman o may selosan na nagaganap, kailangan na agad may label muna, at hindi naman dahil may label may nararamdaman na sa isa't isa. Tch hindi ba pweng trip lang nila.

'What a stupid thought Saph'

"Oi Saph, okay ka lang?"tawag ni Kei kaya naman bumalik ako sa reyalidad."Bakit ka tulala diyan"natatawang sabi niya.

"Wala, bakit yun?"

"Tinatanong kita kung ano ang mga niluto mo?"

"Carbonara at fried chicken"

"Okay, for sure matutuwa si Zeph dahil niluto mo ang favorite niya"napangiti naman ako hindi dahil sa sinabi ni Kei, kundi dahil naalala ko yung sinabi ni Vince kanina na nagustuhan niya ang luto ng carbonara.

'Hayst anytime pwede kitang ipagluto ng kahit ano Vince basta magugustuhan mo'

"Iluto ko kaya sarili ko"

"Hoy Saph, nababaliw ka na ba bakit mo iluluto sarili mo?"

"Huh napalakas ba yung sinabi ko"natatawang umiling si Kei."Ang sabi ko ipagluto ko kaya ang sarili ko"palusot ko.




---

Keep reading Babi..

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE,
COMMENT AND FOLLOW!!

God Bless!!

Thanks a lot😘

UP NEXT
CHAPTER 33
...

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now