CHAPTER 33

129 6 0
                                    

SAPH'S POV

Hindi ako makatulog kahit na napagod ako sa paglilinis kanina kaya naman inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro.

Tumingin ako sa alarm clock ko at 11:58 na pala, hindi ko namalayan ang oras. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman bumangon ako para bumaba at pumunta sa kusina.

Tahimik narin sa kwarto ni Kei at sa tingin ko ay tulog na siya. Pagpunta ko sa kusina ay kumuha ako ng tubig sa ref at naghanap ng pwedeng kainin.

Kinuha ko ang carbonara at iniinit ko pagkatapos ay pumunta ako sa sala para dun kumain habang nanonood.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng biglang may narinig ako na nag doorbell kasabay ng pag vibrate ng phone ko.

Binuksan ko muna ang message na nanggaling kay Zeph.

From: Zeph

Saph, I'm here nasa labas na ako ng pinto. Kanina pa ako nagtetext kay Kei na malapit na ako pero hindi siya sumasagot.

10:32 PM

Hindi na ako sumagot at agad na tumayo para buksan ang pinto.

"Saaaappppphhh"sigaw ni Zeph at biglang yumakap sakin."I miss you na"

"Waahh Zeph, I miss you too rin, bakit ang tagal mo naman"

"May mga dinaanan pa kasi akong bilihan para pasalubong"

"Tara pumasok kana, asan mga gamit mo"tanong ko sa kanya at itinuro niya naman ang isang malaking maleta at medium size na box na galin Pa sa grocery.

"Yan lang ang dala ko dahil may mga gamit naman na ako dito eh"

Pumasok kami sa loob at umupo agad siya sa sopa.

"Wow carbonara, na miss ko luto mo Saph"

"Well request mo yan eh"

"Asan nga pala si Kei, tulog na"tanong niya habang kinakain ang carbonara na nasa plato ko.

"Siguro. Napagod yata sa paglilinis eh"

"Eh ikaw, bakit gising ka pa?"

"Hindi pa ako makatulog"

"Mabuti nalang dahil baka hindi agad ako makapasok"

"Bakit mo kasi kinalimutan ang duplicate key mo"pagalit na sabi ko.

"Kamusta naman dito anong bago?"tanong niya."Ayy ngapala"biglang sabi niya at ibinaba ang pagkain."Sikat na si Kei grabe, bakit bigla siyang nag artista?"

"Hay nako Zeph, mahabang kwento, tsaka na namin sasabihin sayo"

"Ayy ano ba yan"reklamo niya bago magpatuloy sa pagkain."So anong plano natin, saan tayo gagala?"

"Naisipan namin ni Kei na mag beach nalang tayo"

"Beach..sige okay lang sakin"pagsang-ayon niya.

"Good. May napagsabihan narin kasi ako and makakasama natin siya"nagtataka namang tumingin si Zeph sakin.

"Weh sino, akala ko tayong tatlo lang?"malungkot na sabi niya.

"Basta makikilala mo rin siya and for sure gugustuhin mo rin siyang makasama"nakangiting sabi ko.

"Hmm..si Rusty ba yan, I'm sure pwede niyo siyang isama dahil nakakasama na siya ni Kei?"naninigurong sabi niya.

"Hindi eh"

"Sino pa bang pwede niyong isama ni Kei maliban kay Rusty?"

"Hulaan mo.."pang-aasar ko.

"Ah alam ko na...siguro magsasama kayo ng boyfriend niyo noh"bigla akong natahimik dahil sa sinabi ni Zeph.

A Fan Girl Turn Into CelebrityUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum