CHAPTER 22

120 8 0
                                    

KEI ARAGON

Maaga akong nag biyahe ngayon papunta sa taping at hanggang ngayon ay nag-iisip parin ako kung paano ko ngayon pakikiharapan ang dalawa.

Hindi naging maganda ang nangyari kahapon kaya naman hindi ako handa kung ano man ang magiging paki-tungo namin sa isa't-isa.

"Girl, si Kei Aragon ba yan?"rinig ko'ng tanong ng babae sa likod.

Nakasakay kasi ako ngayon sa fx at nasa passengers seat ako habang may dalawang babae na halos kasing edad ko sa back seat at isa pa'ng matandang babae.

"Oo siya yan, grabe naman siya bakit niya tinulak si Chantal"napa-isip tuloy ako kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Kalat na nga ang video na yan eh, grabe"nalaman ko na ang tinutukoy nila ay ang nangyari kahapon.

"Bakit kaya niya tinulak si Chantal buti nalang dumating si Rusty, nakakakilig naman sila"

"Pero alam mo mukhang hindi naman sinasadya ni Kei eh"mukhang hindi nila ako napapansin dahil abala sila sa panood kaya naman nagpatuloy ako sa pakikinig sa usapan nila.

"Talaga, pano mo naman nasabi?

"Mukhang si Chantal naman kasi ang unang sumugod kaya siguro nagawa yun ni Kei"

"So team Kei ka pala"mukhang magtatalo pa yata ang dalawang 'to.

"Hindi dun lang ako sa tama, eh mukhang si Chantal naman ang mali eh"

"Basta ako kay Chantal ako kampi dahil matagal ko na siyang kilala"Desididong sabi ng isa.

Nang makarating ako ay agad akong pumasok sa loob at pagkapasok ko palang ay ramdam ko na ang kakaibang atmosphere sa paligid. Iba rin ang mga tingin nila sakin dahil para ba'ng nakakita sila ng multo.

'Hindi kaya..napanood narin nila ang video'

"Ow hi Kei, how are you?"nakangising tanong ni Chantal.

"I-i'm good"

"Really?"

"Miss Kei ayusan na po namin kayo"sabat ni Eva at agad naman akong tumango at sumunod sa kanya, nakita ko pa'ng sinundan ako ng tingin ni Chantal.

Napansin ko na wala pa si Rusty, palagi kasi siyang nauunang dumating kaysa sakin kaya nakakapanibago na wala pa siya ngayon.

'Baka naman nasa labas lang'

Sinimulan na akong ayusan ng dalawa kaya naman ng matapos ay umupo muna ako saglit sa couch para ihanda ang sarili for shooting naisipan kong magkabisado muna ng mga lines para hindi ako ma-bored.

"Excuse me po miss Kei"si Lina ng makalapit sakin.

"Yes, Lina"nakangiting sagot ko.

"Gusto ka daw po'ng maka-usap ni direk saglit"

"Ah sige susunod na ako, salamat"

Bago ako sumunod kay Lina ay ibinalik ko muna ang script sa loob ng bag ko at pumunta muna sa cr.

ilang saglit lang ay lumabas din ako agad at saglit na nagtungo sa mga gamit ko para kumuha ng tissue ng mapansin ko na nakabukas ang bag ko.

'Hindi ko ba ito naisara kanina?'

Tanong ko pa sa sarili ko.

Ang natatandaan ko kasi ay naisarado ko ito kanina pero baka nga ay hindi dahil nagmamadali rin akong mag cr.

Kumuha agad ako ng tissue at isinara agad ang bag ko tsaka pumunta na kay direct.

Nang magkaharap kami ay agad na tinanong niya sa akin ang tungkol sa video kung paano at bakit daw yun nangyari.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now