CHAPTER 24

126 8 0
                                    

KEI'S POV

Nang makalapit ako kay direk ay agad na umupo ako sa kaharap na upuan niya."Yes po, direk?"

Seryosong tumingin ito sakin."About what happened yesterday.."

"Yes po?"kinakabahang tanong ko.

"I think I need to suspend you"

"P-po"biglang bumagsak ang mga balikat ko at matamlay na nakatingin sa kanya."B-bakit po"

"I'm sorry pero lumabas ang tungkol sa pag-aaway niyo ni Chantal, kayo ang pinag-uusapan ngayon sa social media lalo ka na"

"Pero kailangan po ba talaga nun, and what about Chantal? suspended din ba siya?"

"No, but don't worry one month ka lang naman suspended kailangan lang natin pahupain ang usap-usapan tungkol sa inyong dalawa"

"Mukhang wala na po akong magagawa"

"I'm sorry Kei. anyways, kailangan mo parin naman pumunta dito bukas para sa last scene mo"

"Yes direk"Sabi ko at tatayo na sana pero muli niya akong tinawag."Po?"

"Do you want me to tell to everybody about your suspension?"Napa-isip naman ako sa tanong niya.

"Ahm..mas mabuti po siguro kung hindi muna ngayon, malalaman rin naman nila kapag wala na ako sa mga next scenes"

Mas gusto ko kasi na kay Rust ko unang ipapa-alam ang tungkol dun and gusto ko rin na magka-ayos muna kami.

I'm sure matatagalan rin kami magkita and i'm really sure that I'm going to miss him.  Parang sanay na kasi ako na lagi ko siyang nakikita.

'I hope na maging okay kami'

"Okay i respected your decision and Kei, I just want you to know na hindi ako naniniwala na ikaw ang may kasalanan sa mga nangyari, I know naman na hindi ka ganong klaseng tao"

"Thanks po, mauna na po ako"paalam ko dito.

Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa mga sinabi ni direk pero bakit parang sa pananalita niya ay kilala niya ako.

Nang makabalik ako sa tent namin ay inayos ko agad ang mga gamit ko at tsaka umalis narin.

Naisipan ko pa sanang kausapin si Rust kanina pero hindi ko na siya naabutan pa, tanging sina Eva, Nikki at ibang staff nalang ang nandun.

Pagkauwi sa bahay ay naabutan ko pa si Saph na nanunuod sa TV sa sala habang naka-upo sa mahabang couch at nakataas pa ang dalawang paa sa table, kumakain rin ito ng chichirya.

Agad namang ibinaba ko ang mga gamit ko sa sahig at pabagsak na umupo sa tabi niya.

"Ang tamlay mo naman"sabi niya habang nasa TV ang paningin.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot."Suspended ako"sabi ko na agad naman niyang ikinalingon.

"Dahil ba yun sa nawawalang gamit ni Chantalnas?"ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa headrest bago tumango sa kanya.

"Tsk. Eh siya suspended din ba?"

"Hindi"sagot ko habang nakapikit parin.

"That's unfair"

"I know"

"Kumain ka na ba?"

"I'm full and wala akong gana"

"Okay bahala ka"

"Akyat na akong taas inaantok na ako"sabi ko ng tumayo at saglit na nag-unat ng katawan bago pinulot ang mga gamit ko at umakyat sa taas.

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon