CHAPTER 39

126 9 0
                                    

KEI'S POV

Maaga kaming nag byahe paalis sa resort para hindi kami gabihin pauwi sa manila.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang nag ring ang phone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ng bag ko at tingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello direk, napatawag ka po"sagot ko at saglit na nagkatinginan pa kami ni Vince.

"Kei, we need to talk, when we get back to manila"

"Tungkol po saan?"

"About you and chantal's issue. Don't ask too many questions I'll tell you later okay, bye"

"O-okay po, bye"pagkatapos kong sabihin yun ay ibinaba na niya ang tawag.

"Anong sabi ni direct Kei?"tanong ni Saph.

"May sasabihin daw siya tungkol sa issue namin ni Chantal before"

"Ano naman kaya yun?"tanong naman ni Zeph. Nagkibit-balikat lang ako bago bumaling kay Vince.

"Ah Vince, kung okay lang sana. Sa studio na tayo dumiretso para kausapin si Direk"saglit na tumingin siya sakin."Sure, no problem"

"Thank you!"

"Matagal na yun di' ba, ano pa ang dapat pag-usapan tungkol dun?"si Zeph ulit ang nagtanong.

Naikwento namin ni Saph ang tungkol dun kaya naman may alam siya sa bagay na yun. Hindi lang talaga namin nasabi ang tungkol sa ginawang pagsampal sakin ni Chantal dahil for sure magagalit talaga si Zeph, kilala namin siya at kapag galit siya sa isang tao hindi niya talaga napipigilang magsalita at sabihin kung ano ang gusto niya.

"Hindi ko alam"sagot ko nalang.

"Baka naman nalaman na kung sino talaga ang naglagay ng gamit niya dun"Sabat ni Saph.

"Sana nga, and sana lang kapag nalaman na kung sino ang may gawa nun, ma-karma siya, tss"inis na sabi ni Zeph.

"Maybe she has the reason to do that?"sabay-sabay kaming napalingon kay Vince ng sabihin niya yun.

"What do you mean?"tanong ko.

"Sinong she Vince, ang sinasabi mo?"tanong naman ni Saph.

"No, I-I mean maybe they has the reason to do that"

"Ano naman yun kung ganon?"si Zeph.

Habang nasa biyahe kami ay iniisip ko kung ano ba yung sasabihin ni direk, akala ko tapos na ang issue tungkol dun kahit na ang akala nila ay ako talaga ang kumuha ng gamit ni Chantal.

Habang nag-iisip ako ay bigla nagsalita si Vince kaya naman nilingon ko ulit siya.

"Ahm Kei, actually may sasabihin din ako about that"sabi ni Vince. Nalilito ko naman siyang tinignan.

"Tungkol saan? tungkol ba samin ni Chantal?"naguguluhang tanong ko.

"Yes"

"Okay"

Mabuti nalang at hindi ganun karami ang mga sasakyan ngayon kaya naman maluwag ang kalsada.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na din kami sa studio. Nakita na namin ang kotse na sinakyan ni direk kaya naman for sure nauna na siyang dumating. Nag park saglit si Vince at pagkatapos ay bumaba narin kami.

"Oh nandito rin sila Rust"sabi ni Zeph kaya naman nilingon ko siya.

"Paano mo nalaman?"tanong ko.

Inginuso niya ang kotse na naka park malapit lang din sa kotse ni direk"Ayan yung kotse na gamit nila papunta sa resort di' ba"

'Hindi ko kaagad napansin'

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now