CHAPTER 12

143 8 0
                                    

KEI ARAGON

Lumipas ang dalawang araw at ngayon ang balik namin sa pagte-taping. Inaayusan ako ng dalawa habang pinag-uusapan ang tungkol kay Chantal kaya naman hinayaan ko nalang sila.

"Oy bakla, nabalitaan mo na ba na babalik na si miss Chantal next month"tanong ni Eva kay Nikki.

"Oo nga eh"

"Hay nako masusungitan na naman tayo nun"naiinis na sabi ni Eva.

"Bakit naman"

"Baka nakakalimutan mo bakla tayo ang nag-aayos sa kanya at pansamantala lang tayo kay Miss Kei"

"Oo nga noh"sabi pa ni Nikki na parang nag-iisip."Alam ko na mag resign nalang tayo sa kanya at lumipat nalang tayo kay miss kei"

"Korak ka diyan baklang Niks"

"Ahm miss Kei"tawag sakin ni Nikki na tiningnan ko naman mula sa salamin.

"Bakit Nikki?"

"Kung sakali po na aalis kami kay Miss Chantal, pwede po ba sa inyo nalang kami ni baklang Eva?"nahihiyang tanong niya.

"Bakit naman hindi, gusto ko nga yun eh"natutuwang sabi ko."Kaya lang baka kung ano ang isipin ng iba pati narin si Chantal kapag umalis kayo sa kanya"

"Don't worry miss Kei kami na ni baklang Nikki ang bahala dun"

Maya-maya lang din ay tinawag na kami para sa shoot na gagawin namin ngayon at nagsimula na. After ng ilang scene ay nagkaroon kami ng break kaya naman lumapit ako kay Rust para samahan siya sa pagkain.

"Rust"tawag ko pagkalapit ko sa kanya naka-upo naman siya sa single couch na malapit sa kinauupuan ni Barns.

"Yes"sagot niya pagka-lingon niya sakin.

"Sabay na tayo mag lunch"yaya ko.

"Ahm--"

Magsasalita Pa lang sana siya pero nagsalita na ulit ako.

"Ako na bibili ng pagkain"

"Ako na Kei maupo ka nalang"agad na sabi ni Barns

Tumango nalang ako at naupo sa kaharap na upuan ni Rust.

"Sige salamat"at tumayo na siya para umalis.

"Rust anong paborito mo'ng pagkain?"biglang tanong ko.

Nagtataka naman niya akong nilingon bago mag-iwas ng tingin."Beef steak"casual na sabi niya.

Tumango-tango ako bago ulit magtanong."Ano naman favorite color mo"medyo natawa pa siya sa tanong ko.

'Anong nakakatawa dun?'

"Pumunta ka ba dito para mag interview sakin"sabi niya at pinagkrus ang braso at sumandal.

Umiling ako bago umayos rin ng upo."Ahm hindi naman gusto lang kitang makikilala pa"

"Grey"

"H-huh?"nalilitong tanong ko.

"That's my favorite color"sabi niya at tiningnan lang ako na medyo ikina-ilang ko.

"Ah kaya pala karamihan sa gamit mo ay may color grey"sabi ko na kunwari inabala ang pagtingin sa mga gamit niya.

"Ikaw?"sabi niya na ipinagtaka ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya na gets ko kung Anong sinasabi niya.

"Ahm Black"

"That's not a color"seryosong sabi niya.

"Oo nga pero consider ko narin yun as a color"

"Okay"sagot niya at nag-isip naman ako ng pwede pang itanong sa kanya.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now