CHAPTER 10

159 9 0
                                    

KEI' POV

Nasa set kami ngayon kasama ko si Saph na naka-upo malapit sa tabi ko habang pinapanood si Rust na nakikipag-usap ngayon sa direktor at ako naman ay inaayusan ng dalawang bakla para sa taping mamaya.

"Miss Kei, ang ganda niyo naman po"puri sakin ni Eva ang nagmmake-up sakin.

"Thank you"nahihiyang sabi ko.

"Oo, nga Miss Kei no need na ang make up, konting ayos lang sa'yo okay na"si Nikki naman na hair stylish ko. Nginitian ko naman siya mula sa salamin.

"At hindi ka pa po mahirap ayusan, hindi tulad ni Miss Chantal"sabi ulit ni Eva.

"Bakit naman?"tanong ko.

"Gusto niya kasi perfect ang pagkaka-ayos sa kanya kaya medyo nahihirapan kami at natatagalan sa pag-aayos sa kanya"si Nikki ang sumagot.

"Ganun ba"

"Opo"sabay na sagot nilang dalawa.

"Wag na kayo mag po sa akin hindi pa naman ako ganun katanda"natawa ang dalawa sa sinabi ko.

"Ang bait mo talaga Miss Kei"si Eva.

"Hindi ako mabait ah"tanggi ko.

"Sus kayo talaga, kaya una palang gusto na po namin kayo eh"

"Talaga?"natutuwang sabi ko habang patuloy sila sa pag-aayos.

"Hindi ka rin po masungit"si Nikki

"Masyado niyo naman akong pinupuri"

"Totoo naman po kasi ang mga sinasabi namin"sagot ni Eva.

Marami pa kaming mga napag kwentuhan sinabi pa nila sakin na wag ko daw ipagsasabi ang mga sinabi nila about kay Chantal dahil baka masisante daw sila.

Nalaman ko na masungit at maarte daw si Chantal hindi ko inakala na ganun pala ang totoong ugali niya parang hindi naman kapani-paniwala dahil napaka amo ng mukha niya and besides sabi-sabi lang naman yun kaya mahirap parin paniwalaan and hindi ko pa naman siya nakakasama para masabi na ganun nga siya.

Pero sa pagku-kwento palang ng dalawa ay mukhang nagsasabi sila ng totoo, wala naman kasi silang mapapala kung sasabihin nila sa akin ang bagay na 'yon.

Nang matapos ang pag-aayos nila sa akin ay nag memorize ako ng script habang hindi pa nagsisimula ang taping. Lumapit sa akin si Saph.

"Anong scene niyo ngayon?"tanong niya.

"Yung part na magkakaroon na ng iba yung bidang lalaki tas malalaman ko"

"Weh? eh sino naman yung babae na gaganap?"

"Di' pa sure kasi wala pang napipili para dun, sa ngayon sasabihin palang ng bida lalaki na may iba na siya at pagseselosin si girl which is ako yun"

"Galingan mo ah"

Maya-maya lang tinawag na ang lahat ng gaganap para magsimula na, iniwan ko na sa pwesto niya si Saph at pumunta na ako sa set nakahanda narin ang lahat.

After ng ilang minutes ay natapos din kami.

"Good job guys"bati ni direk."So bukas rest day muna tayo pati sa susunod na araw then the day after the next day start ulit tayo okay"dagdag niya pa.

"Yes direk"sagot namin.

"Okay good bye everyone ingat sa pag-uwi"

"Good night"

"Bye guys"

"keep up the good work"

Sabi pa ng ibang staff bago umalis habang ang iba naman ay nagliligpit pa ng mga gamit. Lumapit naman ako kay Saph na ngayon ay pahikab-hikab na. Tumingin naman ako sa wrist watch ko bago umupo sa tabi niya.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now