CHAPTER 42

125 7 0
                                    

KEI'S POV

"Direk gusto ko po sanang mag sign ulit ng panibagong contract"sabi ko kay direct ng makarating ako sa studio.

"Hindi na kailangan Kei, actually hindi ko naman talaga in-approve ang pag quit mo, I'm just giving you a break"hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kaya naman pala nung time na sinabi ko na aalis na ako ay kaagad siyang pumayag.

"Thanks po direk!"sagot ko.

"Anyway Kei, about sa nangyari last day. I already talked to Chantal but sorry to say she's not willing to apologize and I can't force her to do that kaya naman ako na ang hihingi ng sorry sa ginawa niya"Sincere na sabi ni direct.

"Okay lang po, baka nahihiya pa lang siyang humarap sakin dahil sa nangyari"sabi ko na ikinailing niya.

"I don't know Kei, I know Chantal hindi kaagad niya tinatanggap ang nagawa niyang kasalanan"

"Siguro po kailangan niya muna ng oras para dun"

"Siguro nga"tumatangong sabi ni Direct.

"Direk tungkol po sa nangyaring suspension, alam ko na po na si mommy ang may gusto nun"nagugulat naman siyang tumingin sakin.

"Nagkausap na kayo ni Ash"tanong niya at tumango naman ako.

"Nasabi niya na po ang tungkol sa pag-uusap niyong dalawa"

"Ayaw ng mama mo na ipaalam agad sayo ang tungkol diyan"

"Don't worry direk alam ko na po ang dahilan niya"

"Pero bakit ka bumalik dito? hindi ba't ang gusto niya ay mag manage ka ng business niyo?"nagtataka niyang sabi.

"Opo, pero sinabi ko na mas gusto ko nalang bumalik sa pag-aartista at naisipan ko rin naman pong tumulong nalang paminsan-minsan sa business kaya naman po pumayag narin siya"paliwanag ko.

"Well that's good, mas maganda ang naging desisyon mo"

Naisipan kong itanong kay direk kung kailan ako ulit magsisimula. Hindi ko man aminin pero sobrang excited talaga ako na bumalik ulit.

"Direk kailan po ako magsisimula?"

"About that mabuti na lang at bumalik ka Kei dahil tamang-tama kailangan namin ng makaka partner ng bagong leading man"masayang sabi ni direk.

"P-po? hindi na po ba si Rust ang makaka-partner ko"nanghihinayang na tanong ko.

"Nung umalis ka kasi ay si Chantal na ulit ang pumalit sayo na maka-partner ni Rust"

"Pero sino po ang--"

"You know Vince di' ba and close narin kayo right?"biglang tanong ni direct sakin na ikinagulat ko.

'Don't tell me..'

"Vi-vince, Vince Allano po?"hindi siguradong sabi ko.

"Yes si Vince Allano. Siya na ang bagong partner mo"

"Pero paano po nangyari yun?"

Sa pagkaka-alam ko kasi ay ibang manager ang may hawak kay Vince kaya naman nakakapagtaka talagang siya ang makaka-partner ko.

"After you quit, Vince came to me to sign a new contract to work with me at binigyan ko siya ng approval"sagot niya."And may bago rin siyang gagawin na project na siya ang lead role kaya naman kinakailangan niya ng partner"paliwanag pa niya.

Hindi ko inaasahan ang bagay na yun. Ibig bang sabihin makakasama ko siya every taping...

Pinag-usapan pa namin ni direct ang tungkol sa bagay na yun at nasabi niya rin sakin na hindi pa alam ni Vince na ako ang makaka-partner niya sa project niya kaya naman kailangan pang ipaalam dito.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt