CHAPTER 18

147 10 0
                                    

KEI'S POV

"Okay so start na tayo, ready na lahat"sabi ni direk at pumunta na kami sa kanya-kanya naming position."Chantal and Kei get ready okay, focus"

"Yes po"sagot ko.

"Okay, I know"si Chantal.

Agad naman kaming pumosition, nasa harapan ko ngayon si Chantal dahil saming dalawa naka-focus ang scene ngayon.

Hindi ko alam pero parang kina-kabahan ako ngayon at hindi ko maipaliwanag kung sa anong dahilan basta feeling ko lang hindi ako ready ngayon para sa scene.

Nasa scene kami ngayon n masyadong intense dahil masasampal ako and for pete's sake for the first time masasampal ako.

'Alam ko yun syempre nabasa ko sa script'

Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang pagbuhatan ako ng kamay pero ngayon sa tingin ko wala akong magagawa dun dahil kasama yun sa eksensa.

'Hindi naman siguro masyadong masakit kung si Chantal ang sasampal di' ba'

Nagbigay na ng signal si Direk para magsimula kami at unang magsasalita si Chantal.

"Jen ibalik mo sakin si Sidh dahil akin siya"sabi niya habang galit na galit ang tingin sakin.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo abby, wala akong ibabalik sayo dahil hindi naman siya sayo, at hinding-hindi siya magiging sayo"sabi ko.

"It's all your fault, inagaw mo siya sakin at kung hindi ka dumating sa buhay niya ako ang mahal niya"totoo pala talaga na magaling siya sa pag-arte dahil kitang-kita sa kanya na parang ang dali-dali lang ng ginagawa niya.
Akmang aalis pero mabilis niyang nahila ang buhok ko at agad na nasampal ako.

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang sampal niya na yun, pakiramdam ko tuloy ay bumakat ang kamay niya sa mukha ko sa lakas ng pagkakasampal niya.

"Cut"sabi ni direct.

"Oh my god, sorry direk"sabi ni Chantal bago lumingon sa akin."Are you okay, Kei"nag-aalalang tanong niya.

Nakangiting tumango naman ako sa kanya."Okay lang"sabi ko habang pasimpleng nakahawak sa kaliwang pisngi ko.

"Okay take two, tayo"sabi ulit ni direk at nag-start ulit kami. Inumpisahan ulit namin sa mga unang linya namin kanina.

"..Kaya tumigil kana sa ilusyon mo na kaya ka niyang mahalin kahit wala ako abby"huling sabi ko at tumalikod sa kanya.

Hinila niya ulit ako sa buhok paharap sa kanya at agad na sinampal, napapikit pa ako dahil sa sobrang lakas ng sampal niya hindi ko inaasahan na mas titindi pa yon kaysa kanina.

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko pa na ngumisi si Chantal hindi ko alam kung nama-malikmata lang ba ako o hindi.

"Cut. Chantal focus, nawawala ka sa control mo"

"Sorry again direk"paghingi ulit ng paumanhin ni Chantal.

"Sorry again Kei, I didn't mean it"sabi pa niya sakin.

Siguro kung hindi lang ito acting at ibang tao itong kaharap ko, panigurado end of the world na nitong kaharap ko.

Tumango lang ako sa kanya.

***

RUSTY'S POV

"Okay take three tayo and after that break muna"rinig ko pa'ng sabi ni direct bago magsimula ulit ang shooting.

I can't believe what Chantal did to Kei earlier, I feel like she's not acting anymore especially when she slapped Kei.

Because every time she had such a scene, it ended well and she controlled her every move.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now