CHAPTER 36

131 8 0
                                    

SAPPHIRE ARAGON

"Saph, I'm sorry pero si Kei talaga ang gusto ko"halos maiyak ako sa sinabi niya.

"Pero Vince, mahal kita. Ako nalang please!"pagmamakaawa ko.

"I'm sorry Saph..I'm really sorry!"hinawakan ko siya sa braso para lang pigilan siyang umalis.

"Please Vince!"

Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya."I can't love you back Saph, sorry!"pagkasabi niya nun ay umalis na siya palayo sa akin.

Iyak ako ng iyak at gusto kong bumalik siya para sabihing ako ang mahal niya. Hindi siya lumilingon kahit na anong sigaw ko sa pangalan niya.

"Ako na lang Vince"

"Saph"isang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Saph"

Biglang nawala ang nasa paligid at nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko si Zeph na naka upo sa gilid ng kama ko at nakatingin sa akin."Okay ka lang, nanaginip ka yata"sabi niya.

Naramdaman ko na may tubig na umaagos sa pisngi ko kaya naman kinapa ko ito."Umiiyak ka ba?"nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako."Nanaginip lang siguro ako ng kung ano"sabi ko.

"Wag ka na kasi masyadong manuod ng mga drama, ayan tuloy napapanaginipan mo"

Tumingin ako sa kaliwa ko para tingnan si Kei pero wala siya sa kama niya."Zeph, asan si Kei?"

Tumingin rin siya sa higaan ni Kei."Hindi ko napansin na wala siya diyan, baka siguro lumabas lang saglit"paliwanag niya."Gusto mo hanapin natin?"humihikab na sabi niya.

"Nagpapahangin lang siguro yun ako na ang titingin sa kanya kapag hindi pa siya bumalik maya-maya, kaya matulog kana"sabi ko dahil mukhang inaantok pa siya at nagising lang dahil sakin.

Tumango naman siya at bumalik na ulit sa higaan niya. Hinintay kong makatulog muna si Zeph at habang hinihintay ko na makatulog siya ay iniisip ko yung napanaginipan ko kanina.

Hindi ko na matandaan kung tungkol saan ang napanaginipan ko kanina pero bakit kaya umiiyak ako sa panaginip na yun.

'Ano naman kayang ibig sabihin ng panaginip na yun?'

Nasabi samin ng lola namin ni Kei nung mga bata pa kami. Kapag daw nanaginip ka at yung pangyayari sa panaginip mo ay natandaan mo pa hanggang sa pag gising mo ay hindi daw magkakatotoo o di' kaya naman ay kabaliktaran yun sa mangyayari sa totoong buhay.

Ang panaginip naman na hindi mo na matandaan ay maaaring magkatotoo.
May mga tao rin sa panaginip natin na hindi natin kilala pero ang sabi samin ni lola noon ay yung mga taong hindi daw natin kilala ay may kinalaman sa past life natin at ang mga tao na blurred ang mukha ay maaari nating makita o makilala sa future.

Kapag naman nanaginip ka ng masama ay dapat hindi yun ikinukwento sa iba para hindi mangyari. Well masyadong maraming pamahiin at sabi-sabi ang mga matatanda at wala naman sigurong mawawala kung susundin mo yun o paniniwalaan.

Nang mapansin ko na tulog na talaga si Zeph ay tsaka na ako lumabas ng kwarto.  Saktong paglabas ko ay ang paglabas rin ni Vince sa kwarto niya.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now