CHAPTER 7

162 10 0
                                    

KEI'S POV

Lumipas ang ilang araw simula ng mapagdesisyunan ko ng pumasok sa pag-aartista hindi narin naging sagabal ang schedule ko sa trabaho dahil nagpaalam naman na ako sa manager ko at pumayag naman siya na hindi ako papasok sa tuwing magkakaroon ako ng taping.

ilang araw narin magmula ng magsimula akong magtrabaho kasama si Rust, okay naman pala siya kasama kaya lang minsan hindi mo maintindihan minsan mabait, minsan medyo mainit ulo lalo na kapag paulit-ulit yung take.

Wednesday ngayon at may taping kami sumama saakin si Saph kahit na may pasok siya dahil gusto niya daw mapanood kung ano ang mga ginagawa habang nagte-taping at ngayon lang din siya nakasama sa akin.

Hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako sa tuwing magsisimula ang pag-arte namin dahil bukod sa baguhan lang ako ay natatakot talaga akong magkamali dahil sanay na ang mga kasama ko sa pag-arte.

Maayos na sana dahil mabilis naman ako makatanda ng lines pero minsan nga ay napapagalitan ako dahil nakakalimutan ko ang dapat gawin kapag si Rusty na ang nagsasalita at kausap ako, para kasing sa kanya lang nagpo-focus ang utak ko kaya hindi ko maiwasang matulala sa mga sinasabi niya.

Nagsimula na kaming pumuwesto para sa scene na gaganapin ngayon at mula sa kinatatayuan ko ay pinagpapawisan ako kahit na hindi naman mainit sa lugar namin medyo intense ngayon ang mga scenes dahil nasa part na kami na mag-aaway ang lovers dahil sa maling akala at kami ni Rust ang gaganap nun.

"Ok in one, two, three. Action"sabi ng director at naghanda na ako dahil ako ang unang magsasalita.

"Babe kausapin mo naman ako please mali yung nakita mo magkaibigan lang kami ni Chester"paki-usap ko kay Rust.

"Seriously magkaibigan pero nakita ko na hinalikan ka niya Jen, kitang-kita ko"

"Pero Sidh nagulat lang din ako sa ginawa niya okay nag sorry rin siya sa akin"

"That's bullsh*t"
"Ginusto niyo yun pareho, ginusto niya so bakit siya magso-sorry"

Masyadong nakakadala ang eksena dahil sa paraan ng pag-arte ni Rust ay parang totoong galit siya. gusto ko na ngang maiyak pero hindi pa pwede dahil mamaya pa yun.

"Look babe--"

"Don't call me babe"

"Look Sidh listen to me okay mali yung nakita mo wala lang yun sakin please intindihin mo naman, bigla-bigla ka nalang nagagalit dahil lang dun?"

"Dahil lang dun?"ulit niya pa."Sa tingin mo talaga dahil lang dun, hindi Jen akala mo ba hindi ko napapansin na sobrang malapit ka na sakanya huh parang kayo nga ang mag jowa eh kung maglandian at lumandi ka sa kanya"pagtapos niyang sabihin nun ay sinampal ko siya at tuluyan na akong umiyak.

"Naglalandian? ganun ba talaga ang akala mo? at ano malandi..ako?"turo ko pa sa sarili ko.
"Hindi ko alam na ganun na pala ang tingin mo sa akin ngayon pero okay lang baka nga tama ka.."Inihilamos ko pa ang dalawang kamay ko sa mukha ko para punasan ang luha ko.
"You know what kahit kelan hindi kita kinuwestion sa tuwing kayo ni abby ang magkasama akala mo hindi ko alam hah"naiiyak na ulit na sabi ko.
"I'm not jerk babe i mean Sidh, at isa pa ilang beses ko na ba kayong nakita na naghahalikan pero tang*na may narinig ka ba mula sakin di ba wala naman"

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now