CHAPTER 5

184 9 0
                                    

RUSTY FUENTABELLA

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagbago ang desisyon ko kanina at hindi ko alam ang dahilan.

Problema namin ngayon ay kung papayag ang babae sa naging desisyon ko. I can see in her eyes that she was really confused earlier and I know hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Barns told me that she already talked to that girl pero hindi rin siya sigurado Kong papayag ito.

"Call her"wala sa sariling sambit ko. Alam ni Barns na siya ang kausap ko kaya naguguluhan itong tumingin sa akin na para bang nagtataka kung ano ang sinasabi ko.

"Call her Barns"ulit ko pa."That girl lately"pagkasabi ko nun ay kinuha naman agad ni Barns ang phone niya at nag dial dun.

Matagal na nagring iyon bago may sumagot at magsalita sa kabilang linya.

"Hello"sabi ni Barns na lumingon sa akin na para bang nagtatanong kung ano ang sasabihin sa kausap.

"Ask her if agree or not"mahinang sabi ko. Ibinalik naman ni Barns ang atensyon sa kausap na ni-loud speaker at nakinig nalang ako sa pinag-uusapan nila.

"Ahm yes Kei, this is Barns"

"Hi ano yun?"sagot sa kabilang linya.

"Ask ko lang sana Kei, if pumayag ka ba sa offer namin sayo kanina"bahagya namang tumawa ang sa kabilang linya bago nagsalita.

"Akala ko ba sabi mo saakin kanina ay maghanda nalang ako at mukang wala na akong magagawa sa desisyon na yun"sabi pa nito na ikina-kunot ng noo ko.

"Ah oo nga pala, so ibig sabihin ay pumapayag kana?"

"Mukang ganun na nga barns"

"Sige Kei, I'll text or maybe call you para sabihin kung saan at kelan tayo magkikita ng makapag-usap tayo ng maayos okay?"

"Okay"

"Thank you bye"Barns ended the call.

"Kelan niyo po gusto siyang maka-usap?"

"Maybe, tomorrow at the cafeteria, 8 am sharp"

"Ok sir Rust, got it"

Medyo naiinis ako sa babae kanina na kausap ni Barns para bang sa mga isinasagot niya ay napipilitan lang siya at hindi interesado sa ganung bagay samantalang marami ang may gusto na maging artista at lalo na kung ako ang makakapareha nila.

'Mas ok siguro ang babae na una kung napili kaysa sa kanya'

Bakit ko ba kasi naisipang piliin yun eh hindi ko nga alam kung marunong ba yun umarte.

'Tch..what a stupid decision Rust'

***

KEI'S POV

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Barns ay isinend niya naman agad sa akin ang lugar at oras kung saan kami magkikita.

"Saph, ayaw mo ba talaga sumama sakin bukas"nalulungkot na tanong ko dito.

Inaaya ko kasi siya na sumama sakin bukas at sinabi ko sa kanya na makakasama namin si Rust kung sakali though i'm not sure kung kasama nga ba ito dahil sa pag-uusap namin ni Barns ay parang siya lang ang makakasama ko pero sinabi ko parin kay Saph na kasama si Rust para naman may kasama ako, kaya lang mukang ayaw ni Saph dahil gusto niya daw mag shopping bukas at baka ma-bored lang daw siya sa pupuntahan namin.

"Ikaw nalang. Gusto ko talaga lumabas bukas at mag shopping eh"tiningnan ko siya ng masama na ikinakunot ng noo niya."what?"nagtatakang tanong niya pa.

"Hmm..don't tell me ayaw mo sumama dahil nagtatampo ka talaga"asar ko sa kanya.

"What?..ako nagtatampo"turo niya sa sarili."Hindi noh baliw ka ba..look, i told you Kei wala lang yon promise"sabi niya pa na itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Ok fine, sige na nga ako nalang basta pag shopping mo rin ako"biro ko sa kanya.

"Sige"sagot niya na inilahad pa ang kamay sa akin, tinaasan ko siya ng isang kilay na para bang nagtatanong ng ano yan??."Pera akin na"

Inirapan ko siya "Ay oo nga pala di' ko na nga pala kailangan magbayad"sabi niya sabay tawa.

tumaas naman ulit ako kilay ko dahil alam ko na kung ano na naman nasa isip ng babaitang ito.

"Yan dyan ka magaling"

"Whatever"

pagkatapos namin mag-usap ni Saph ay umakyat muna ako sa taas para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko para bukas habang si Saph naman ay naghahanda ng pagkain para sa hapunan.

Pagkatapos ko'ng mag ayos at maghanda ng gamit ay bumaba na ako para kumain. Napag kwentuhan pa namin ni Saph ang mga plano ko kapag nagsimula na ako sa pag aartista. Maging ako kasi ay hindi ko parin alam dahil nga hindi ko naman inaasahan na mangyayari pala ang bagay na iyon at hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa akin kung bakit nagbago Pa ang desisyon ni Rust.

Hindi ko rin alam kung bakit ganun na lang kadali sa akin na tanggapin ang gustong mangyari ni Barns at Rust. Alam ko naman na pwede naman talaga akong umayaw pero nung time na sinabi saakin ni Barns na mukang wala na akong magagawa maging ang iba ay pumayag na talaga ako at hindi ko parin alam kung bakit.

Pagkatapos maghapunan ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko para matulog, inagahan ko talaga dahil naeexcite din naman ako at the same time kinakabahn dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kung sakaling magkita ulit kami ni Rust sa personal for the second time.

Nag flash back sa utak ko ang unang pagkikita namin.

Bakit parang magkaiba yung Rust na nasa TV and yung Rust na nasa personal. Bakit parang ang seryoso niya.

Napakunot ang noo ko sa iniisip ko.




---


Keep reading Babi..

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE,
CoMMENT AND FOLLOW!!

God bless!!

Thank's a lot 😘

UP NEXT
CHAPTER 6
...

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon