CHAPTER 19

134 9 1
                                    

SAPPHIRE'S POV

Hindi ako pumasok ngayon dahil naisipan ko'ng sumama kay Kei ngayon sa taping.

Nag-aalala kasi talaga ako dahil baka kung ano na namang gawin nung Chantal na yun kay Kei though wala naman akong dapat ipag-alala kay Kei dahil kaya na naman niya ang sarili niya but still gusto ko parin bantayan ang kilos ng Chantal na yun.

Sabihin na nating hindi niya nga sinasadya yung nangyari kahapon yung pagsampal niya ng malakas kay Kei, eh paano kung may mangyari na namang hindi maganda, sasabihin na naman niyang hindi niya sinasadya.

'Tsk no way..lokohin niya lelang niya noh'

Baka hindi niya kilala kung sino ang kinakanti niya. She's just a Chantal Montefalco, nothing is special in her.

"Anong ipinagmamalaki mo Saph?"pagka-usap ko sa sarili ko.

Nanonood ako ngayon sa salas habang hinihintay si Kei na makababa. Habang naghihintay ay inabala ko nalang muna ang sarili ko na manood muna ng TV.

Ilang minuto lang din at bumaba na si Kei dala ang mga gamit niya."Tara na"yaya ko sa kanya at tumayo na.

"Magco-commute ba tayo?"tanong niya.

"Nakakatamad naman kasi mag-commute eh"reklamo ko.

"Yung kotse mo nalang yung gamitin"suggestion niya.

Kinuha ko naman ang susi sa table at naunang lumabas sa kanya, sumunod naman siya kaagad sakin.

Nang makasakay kaming pareho ay agad ko'ng pinaandar ang kotse, hindi na ako nagtanong kung saan ang punta dahil alam ko naman na kung saan ang studio nila.

"Ang dami mo namang dalang gamit"Napansin ko kasi kanina na ang dami niyang dala, dalawang hand bag at isang shoulder bag.

"Mahirap na baka hindi agad tayo maka-uwi"nagtataka naman akong sinulyapan siya ng saglit bago muling ibinalik ang tingin sa unahan.

"What do you mean, sa studio tayo matutulog?"naguguluhang tanong ko.

Napakunot ang noo niya."I forgot to tell you, resort ang pupuntahan natin ngayon dahil dun gaganapin ang taping"natatawang sabi niya.

"What, seriously bakit ngayon mo lang sinabi?"reklamo ko."Wala akong dalang gamit na pa'ng swimming noh"

"Taping ang ipinunta natin hindi bakasyon"

"Bakit, bawal ba maligo after ng shoot"

Agad niya namang sinabi kung saang resort ang pupuntahan namin, hindi ko na kinailangan mag GPS dahil alam ko naman na kung saang lugar iyon dahil isa sa pinaka-kilalang resort iyon.

Bago kami dumiretso sa pupuntahan ay huminto muna kami sa isang boutique dahil naisipan ko'ng bumili ng swim suit dahil hindi naman ako sanay mag swimming ng naka casual wear lang.

Nagreklamo pa nga si Kei dahil baka daw ma-late kami dahil sa katarayan ko. Kasama yung ganong pang-aasar sa lambingan namin..yuck!

Minadali ko na ang pamimili at agad din naman kaming nag-biyahe mabuti nalang at hindi traffic kaya mabilis rin kaming nakarating.

'Ako ba naman ang driver"(evil smile)

"Grabe na-miss ko'ng pumunta dito"nasa harap na kami ng resort at namamanghang inilibot ko ang paningin sa kabuan nito maging si Kei ay ganun rin.

Ilang months narin kasi ng huling punta namin dito yun pa yung nag celebrate kami ng birthday ni Zeph.

'Speaking of Zeph, nakaka-miss narin ang babaeng yun, kailan kaya yun babalik?'

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now