XXI- Meet Gray

12.7K 468 17
                                    

B O O E Y ' S  P O V

Hinila ako ni Chino palayo ng venue pagtapos magdrama ni Cass.

"Ba't ayaw mong sabihin sa kanya 'yong totoo?" tanong ko.

"Hindi pwede."

"Bakit?"

"Basta." tsaka siya napakamot sa ulo.

Nainis ako, "Ahh basta din. Sasabihin ko kay Cassandra Molina 'yong totoo!" aalis na sana ako ng bigla niya akong harangan.

"Wag na kasi." tsaka siya umiwas ng tingin.

Napangisi ako sa itsura niya. "Natotorpe ka 'no?"

Napatingin naman siya sakin tapos ngumisi din.

"Nag-jo-joke ka, right?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ako matotorpe? Hindi ko naman siya type. Ang pogi ko masyado para lang matorpe sa kanya. Napag-utusan lang ako. Malamang, 'yong nag-utos ang torpe. Hahahaha!" tapos bigla siyang umakbay sa'kin, "...tsaka ikaw ang type ko 'no." *wink* na may kasamang nakakalokong ngiti.

"Ginagago mo ba ako?!" sabay tulak sa kanya na tawa ng tawa.

Kadiri 'yong mga pakindat-kindat niya ah. Brings chill to my spine. Eww.

Biglang may sumulpot na Alien. "Ano ginagawa mo dito Abnoy?!"

"sa'min kaya 'to." walang gana niyang sagot.

"Oh eh di saksak mo sa baga mo!" Psh. Parang bata.

Umalis na'ko.

Susunod sana si Chino pero pinigilan siya ni Abnoy, ako, tuloy-tuloy lang sa paglalakad pabalik sa venue.

"Napag-utusan lang ako. Malamang 'yong nag-utos ang torpe. Hahaha!"

Biglang pumasok ulit sa utak ko 'yong sinabi ni Chino.

Si Abnoy nag-utos?! Kaya ba dito sa resort nila ginanap 'yong birthday ni Cass?!

Type ni Abnoy si Cass?

Malapit na ako sa venue ng biglang may humigit sa braso ko. Si Chino nanaman. -____-

"Ano nanaman 'yon?"

"Quiet ka lang ah?" paninigurado niya

Hay. Ang kulit talaga nitong singkit na 'to.

"Oo na." pagkasabi ko nun binitiwan na niya ako at sabay na kaming naglakad papunta sa table nila Cass.

Tulad nga ng sabi ni Chino, andito nga mga kaibigan niya.

Malaking pa-oblong 'yong table.

Mula sa left side ng isang pa-curve part ng table eto ang arrangement.

Julia. Cass. Tyger. Lyle. Bry.

Sila ang naka-upo sa left side tapos 'yong naka-upo sa kabilang part ng pa-curve, 'di ko kilala pero pamilyar siya. 'di ko lang tanda kong saan ko siya nakita.

'yong kabilang side si Kerv lang ang nakaupo kaya may bakante pang apat, pang lima 'yong seat sa right ni Julia na pa-curve.

Umupo si Chino sa tabi ni Kerv ako naman sa tabi ni Chino.

"Saan kayo galing Booey?" nakangiting tanong ni Cass.

"Malamang nag-date 'yan." pang-aasar ni Lyle.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now