X- Love In The Club

15K 506 25
                                    

Galaxy's P.O.V

Kahit alam kong kilala niyo na ako, magpapakilala parin ako. Mas gwapo kasi pag ako 'yong nagpakilala eh.

Ako si Galaxy Oasis Chua, gwapo, mayaman, mabait, habulin, charismatic, fit, icon, generous at higit sa lahat gwapo ulit.. Oo nga pala, matalino din ako hindi ko lang masyadong pinapakita sa school kasi ayoko namang sakupin lahat ng magagandang katangian dahil isa din akong humble na tao.

Kinatatakutan ako ng lahat..

..........

Lecheng combat shoes 'yan! Sarap tirisin! Kung hindi lang talaga babaeng malayo ang ichura sa unggoy 'yong babaeng 'yon matagal ko ng pinatulan 'yon! Pakyu siya at 'yong Dr. Martens niyang sapatos! Isa siyang alamat! Alamat ng kaku#@%())!!

Pasalamat siya at wala 'yong sorority ng fans club ko. Asan na ba 'yong mga 'yon? Alam ko suspended sila. Paano ba naman kasi dahil sa kanila may nag quit sa school na 3 studyanteng babae dahil lang sa niyakap ako. Oh di ba? Protective much.

*phone rings*

May text galing kay kuya.

"Meet me at anywhereclub here in Morato. ASAP! :)"

Problema ni kuya? Ginagawa naman niya dun? Mag na-10pm na at hindi pa'ko nagdidinner.

Kelan pa 'yon pumunta sa club sa Morato? Alam ba ng asawa niya 'yon? Ang dami kong tanong ba't kaya hindi na lang ako pumunta? May ka-engotan din ako e. ('yan ang tunay na pogi, inaamin na minsan engot siya)

*•anywhereclub•*

Pag pasok ko palang ng club, may pumulupot na agad na babae sa'kin.

"Hi, Galaxy! First time kitang nakita dito ah. Doon ka sa table namin." Malambing sabi niya with kurap-kurap ng false eyelashes niya.

Napansin kong false eyelashes kasi nababaklas na 'yong isa. Jologs naman nitong babaeng 'to.

"Sorry, hindi ako sumasama sa mga bakla." tsaka ko tinanggal kapit niya sakin at naglakad papasok.

"What the-- jerk!" She said behind me.

Hindi ko pinansin 'yon. Wala pang 1 second may lumapit nanaman. Iba talaga pag chick magnet, minsan nakakainis na rin.

This girl, naka red dress siya at kita 'yong cleavage niya. Kumapit din siya at pinadama ang lambot ng dibdib niya sa braso ko.

"Miss, hindi ko gusto ang lambot na gawa ng foam. So, please, if you don't mind sa pader mo na lang ikiskis 'yan." Tsaka ko siya inilayo sa'kin. "Ang dami palang bakla dito sa club na 'to."

Sinigurado kong narinig niya 'yon.

Natameme na yata o napahiya hindi na kasi umimik.

Naglakad na ako using may pissed face para wala ng magtangkang lumapit pa sa'kin ulit.

Pissed na rin talaga ako dahil kanina ko pa hindi mahanap kuya ko tapos nakapatay pa cellphone.

Shhh-- bwisit! Gutom na'ko eh!

Pumunta ako sa bar para umorder ng alak. Nakita mo may pinagti-tripang babae doon. Nakatalikod.mula sa'kin pero kita kong lasing na lasing na 'to, konting-konti na lang kasi babagsak na 'to sa sahig. Paminsan-minsan ninanakawan siya ng halik sa leeg, hinahawi niya 'to pero sobrang lasing siya kaya wala din siyang magawa.

Uupo na sana ako ng nakita ko 'yong doc martens na suot niya. Na-phobia na ata ako sa sapatos ng babae kasi madalas na akong napapatingin sa paa, baka kasi lumilipad na combat shoes nanaman 'yon.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon