Bonus Chapter! :)

11.7K 376 5
                                    

E Y E L ' S P O V

"Babydoll, pumu-poo nanaman si babyyyy!!" sabi ko habang nasa tapat ako ng pintuan ng banyo at karga-karga anak ko na nakadistansya sa'kin habang dumedede siya.

Bumukas naman agad 'yong pinto. Pumasok agad ako sa banyo na parang hindi napansin ang asawa ko na sabon-sabon pa ang buhok at nakahubo't-hubad.

"Baby naman eh! Pumu-poo ka na nga dumedede ka parin!" reklamo ko sa anak kong pinagtatawanan lang ako.

"Naku nagreklamo ka pa eh nagmana lang naman sa'yo yang si bibi." tsaka kinuha ni Harley 'yong dede ni Philzoe.

"Dadda!" na nagka-clap pa ng hands niya.

Yumuko naman si Harley para tanggalin pajama ni Philzoe habang ako hawak-hawak lang si Philzoe.

"Ang taba-taba na ng pisngi mo 'nak. Nakakaloka ka." pagkahubad ng pajama nya at pagkatanggal ng pampers niya nilapit ko na siya sa shower room. Lumapit din si Harley habang hawak 'yong bidet at sinimulang hugasan si Philzoe na tuwang-tuwa. Hirap na hirap na nga ako hawakan talon pa ng talon buti sana kung ang gaan lang nitong butchog kong anak e. T_____T

Pero kahit napakakulit nitong baby ko, hinding-hindi ako magsasawang alagaan sya. Haaaay! Ang cute-cute. 1 million times cuter sa mga stuffed toys ko. Nakakagaan ng pakiramdam pag may baby sa bahay.

Pagtapos hugasan ni Harley si Philzoe, kumuha na siya ng towel at ipinulupot kay Philzoe tsaka ko naman siya binuhat.

"Hoy, Chua, bilisan mong maligo at maliligo na rin ako. Padating na 'yong mga kumag." sabi ko bago ako lumabas ng banyo.

"Bakit hindi ka na lang sumabay?" tsaka gumuhit ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

"Siraulo. Sinong magbabantay kay baby?" nakangiti kong sabi tsaka ako lumabas ng banyo. Kung hindi ko lang babantayan si baby malamang kahit hindi niya sabihin 'no! :"> HAHAHAHHAHAH!

Inihiga ko na si baby sa kama, si Harley itinuloy ang pagligo. Kumuha ako ng panibagong pajama at binihisan ko na anak ko para patulugin.

*********

Tatlong sunod-sunod na malalakas na katok at malalakas na tawanan ang kumitil sa katahimikan ng kwarto at sumunod namang umiyak 'yong anak ko. Saktong tapos na ako sa pagligo at naka bihis na ako ng pambahay. Andyan na 'yong mga kumag! Baklit kailangan nilang mag-ingay!?

"Uy! Labas na! Tama na pag-gawa ng junior!" boses ni Josh na nasundan ng tawanan.

Siraulo talaga 'tong Josh na 'to! Lumabas na ako agad para masakal ko na 'yong baliw sa labas.

Pagkalabas ko nakita ko si Harley na pinapatahan si Philzoe at mukhang patungo sa pinto. "Ako na."

Pagkakita nila sa mukha ko, naglaho 'yong tawanan.

"Dude, tumakbo ka na." Billy

Pero bago pa niya maihakbang ang paa niya ipinulupot ko na sa leeg niya 'yong tuwalyang hawak ko. "GAGO KA TALAGA! ALAM MO BANG NATUTULOG SI PHILZOE HAAAA!!!??"

"Hon, help" tsaka siya humawak sa braso ni Natalia.

"Bahala ka sa buhay mo." naglakad lang si Natalia papunta sa kama para tulungan si Harley patahanin si Philzoe.

Pinagkokotongan ko na sa ulo si Josh at tinulungan pa'ko nila Karlo at Billy. HAHAHAHAHAHHAHA!

May re-union kasi kami ngayon. Wala lang, kasi iba nanaman sa'min aalis ng bansa tapos magiging busy nanaman sa mga career. Minsan lang kami makapoagbonding-bonding ng ganito.

"Asan si Eason at Yanee?" tanong ni Harley.

"Nasa garden, nagyoyosi kasi si Eason." Si Tasing na sumagot.

*******

"So, how's my oh-so-bait na pinsan?" tanong ko kay Natalia habang naglalagay ako ng kanin sa plato ni Harley.

"Ayon, SOBRANG bait parin. Sa SOBRANG bait ginagawang combat field ang school! My goodness!" she rolled her eyes.

"Alam mo, pag nagkukwento si Natalia sa akin tungkol sa pinsan mo.. Parang ang hirap paniwalaan kasi pagtitignan mo siya. Para siyang angel. So innocent and so adorable." si Natalie naman.

""Anong Angel ka diyan? Angel lang sa pangalan 'yon pero hindi talaga. Alam mo bang 5 bartender na ang nag-reresign ng dahil sa kanya?" pailing-iling na sabi ni Karlo.

"Parang Eyel lang." Billy

"Wala pa kasing boyfriend kaya ganyan. Tignan mo si Eyel dati loka-loka tapos nung nakilala si Harley mas naloka" tsaka tumawa si Erica sa sinabi niya.

"Mukhang matatagalan pa yan. Just looking at her, mukhang hindi pa napro-program sa kanya ang salitang inlove" si Eason habang hinahalo niya 'yong coffee niya.

"Grabe ka naman! Nakakitaan ko na ng signs ng pagka-inlove 'yong bata 'no." protesta ni Yanee.

"Kamusta na ba sila ng utol ko?" singit naman ni Harley.

"Wag ka ng umasa na'ko! Kasi mortal enemies talaga sila. " sagot naman ni Natalia.

"Eh di ba dun din naman nagsimula 'yong lovestory ng dalawa? Wow! Repeat!" natatawang sagot ni Josh na napahinto pa sa pagkagat sa tempura.

"Iba 'yong kanila. Bawat sulok ata ng pagkatao nila may galit sa isa't-isa." sagot ulit ni Natalia na sumasandok ulit ng kanin.

"Sabi sa'yo si Tyger na lang e." sabi ko

"Ay naku. Hindi pa nakakamove-on 'yon sis." si Eason ulit.

"Nabali-balita kaya sa school na sila.. Actually, madaming nali-link kay Angelique. Alam mo naman kabataan ngayon pag nakita lang naglakad ng sabay sa hallway e "dating" or may relasyon na agad." Natalia

"HAHAHA! 'yong tipong isang linggo pa lang FOREVER na daw?" singit ni Josh.

"..pero lately nababalitang "dating" sila ni Gray.." Natalia

"OMG! 'yong gwapong model?" si Eason na parang nabuhayan ng dugo.

"A-huh." pagtango ni Natalia

"Tss! Hindi pwede 'yon. Chickboy 'yon e tsaka mas okay pa kapatid ko dun." protesta naman ni Harley.

Hindi talaga pwede 'yon! Mapapatay ko 'yang Bucklaughe na yan! Gusto pang tuhugin pareho 'yong mga pinsan ko!

"Oh, tama na tungkol sa pinsan ko. 'yong isang tanong ko ang layo ng napuntahan." pag-da-divert ko ng usapan. Luckily, na-convince ko sila.

Nagkwentuhan kami sa mga buhay-buhay namin at kung ano-ano pa. Tawanan at jamming all-night.

*******~

Author's Note:

Summer time! Enjoy your summer! :)

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now