Chapter Fifty Five

12.3K 482 201
                                    

Author's Note:

Haluuuu! Hahahaha! Sensya kun medyo matagal. Pinag-iisipan ko pa ano ia-update ko. Hahahaha! Kayo kaya mag update ng kilig moments pero wala kayong lovelife?! Hahahaha! Struggle is real, pre! Hahahaha! #walakasingforever #bitter


B O O E Y ' S P O V

"Hey bitch!"

"Hey whore!"

"Hey witch!"

"Uy malandi."


Yan! Puro ganyan naririnig ko sa punyetang bunganga nitong Paulette na 'to! Kanina pa siya padaan-daan dito sa may gazebo para lang tawagin ko ng kung ano-anong pangalan!


Konti na lang pasasabugin ko na bunganga nya!

Nagrereview kasi ako dito sa may gazebo. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin kaso pinagkakait sa akin ni Paulette 'yon! Kada daan niya, nakakapollute 'yong hangin na nalalanghap ko!

Kinuha ko phone ko para tawagan si Alex.


[Hello, beh!] energetic niyang bati.


"Punta ako sa inyo. Mag-aaral ako." May major exam kasi kami next week.

[Nandito kami sa pad ni Chino nag-aaral din. Punta ka nalang dito.]

"Kita niyo kayo! Mga hindi nag-aaya!" Naiinis kong sabi.

[Anong hindi?! Nakailang tawag kaya ako sa'yo tapos nagtext pa ako! Sumagot ka ba? Hindi! Pero okay lang, sanay naman akong umasa sa wala.]



"Tumigil ka kakahugot mo!" Tsaka ko inend 'yong call. Huhugot pa e.

Chineck ko phone ko.

5 missed calls.

15 messages.


5 dun galing kay Alex. The rest kay Abnoy.


Bubuksan ko sana mga messages ni Abnoy para basahin ng bigla siya dumungaw sa loob ng gazebo.


"Anak ng! Buti nalang wala akong phobia sa alien! Bigla-bigla nalang lumilitaw ulo mo kung saan-saan!" Bulyaw ko kay Abnoy na nagtanggal ng shades at kinindatan lang ako.



"Oh, ganyan ka na bang aalis?" Tanong niya.



"Pinagsasabi mo?" Takhang tanong ko. Parang siraulo talaga 'to.



"Aish! Sabi ko 'di ba, susunduin kita ngayon kasi mag-aaral tayo kanila Chino? Mamaya bumagsak ka nanaman kasi wala akong inspiration mo habang nag rereview." Hangin talaga nitong Abnoy na 'to.


'Yon siguro mga laman ng texts niya. Kaya tinuloy ko pag bukas sa messages niya. At, ayon nga ang texts niya at puro kakornihan.



Tatayo na sana ako para magbihis ng may bigla siyang inabot sa'kin.

Apple na may note. Ganun parin 'yong format nung sulat.


"Lucky is not the right word when I found you. It was BLESSED. I am so blessed, I found you."



"Sige na babyheartheart magbihis ka na." Tsaka niya ako tinulak ng mahina para simulan ko maglakad.


Pag ganito 'tong si Abnoy para akong aatakihin talaga!

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu