Chapter Sixty

7.7K 276 59
                                    

Author's Note: (BASAHIN NIYO TO, BAHALA KAYO) HAHHAHA!

Oo na. Oo na. Alam ko 'yong iba sa inyo bizmud na kakahintay ng update ko. Pero, wala akong magawa e. Ayokong pilitin mag update kasi wala talaga akong gana, pangit lang kalalabasan.

Ang hirap pag nasa 20's ka na. Dami problema, dagdag mo pa lovelife. Sa sobrang broken ko, wag na kayo magtaka kung pati si Sapatos at Abnoy madamay sa kabitteran ko dahil WALANG FOREVER!

Thank you kay Camille Devanadera na lagi akong kinakamusta sa messenger kahit alam kong gusto mo lang ako pag update-in! Hahahaha! Char! Loveyoooou! Cute-cute mo at ang sweet-sweet mo pa! Tsaka kay Queeny!

Pipilitin ko tapusin 'to bago mag update! Bare with me, guys, alam ko namang love niyo ko e.

P.S May pinost ako sa Fb na "WTF IS WRONG WITH US" ang title, read niyo then pag nagustuhan niyo like or share niyo na din. Malay niyo sipagin ako mag update, 500 likes (which is I know imposible dahil alam kong 'di ako famous. Hahaha! Tamad goals) malay niyo may ending na agad to. Hahahaha! Char. Pero, surely it'll help para mamotivate ako para bumalik sa pagsusulat. Help me, please! Para makalimutan ko na din ex kong hehehe.

Ayyem Milly (yan facebook ko)

B O E E Y ' S P O V

Sunod-sunod na malalakas na katok sa pintuan ang gumising sa'kin. Antok na antok kong kinapa ang alarm clock na nasa ibabaw ng lamesa na katabi nitong kama.

8 a.m? Ugh! 4 hours palang akong nakakatulog for Pete's sake! Mag three a.m na kasi kami nakarating ni Galaxy, na natutulog sa sofa sa baba, dito sa bahay nila ate. Ayoko muna umuwi sa bahay dahil alam kong andun ang magulang ko.

"Angelique!" tawag ng kanina pa kumakatok sa pintuan nitong kwarto.

Bigla akong napatayo ng malaman kong si mommy 'yon! Tss.

Tumayo na ako at tinungo ang pinto para buksan kahit na ang bigat-bigat ng katawan ko.

Laking gulat ko ng isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ko.

"Alam mo ba kung ano ang pinag gagagawa mong bata ka ha?!" gigil na sigaw ni mommy sakin.

Punung-puno ng galit akong tumingin kay mommy tsaka niya ako sinampal ulit, "ano? Lalabanan mo na ako ha?!"

Hindi ko na napigilan ang luha ko at tumakbo na ako pababa para iwan si mommy. Alam ko kasing hindi magagandang salita ang lalabas sa bibig ko. Kasi sa totoo lang, gustong-gusto ko ng magmura sa harap niya.

"Bumalik ka dito, Angelique!" Sigaw pa ni mommy na sumunod sa akin.

Sa pinakababang hagdan, nakatayo dun si daddy at seryosong nakatingin sa akin.

"Ano dy? Sasaktan mo rin ba ako? Dali na, gawin mo na rin! Tutal diyan naman kayo magaling ni mommy 'di ba? Never niyo kong pinakinggan at pinaniwalaan! Mas pinapaniwalaan niyo nga si Paulette e! Kasalanan niyo naman e, hindi niyo ko pinalaki na isang mabuting anak! Buti nalang kahit papaano napalaki ako nila lola at lolo na isang mabuting apo!" Nilagpasan ko si daddy na parang gusto akong yakapin.

Dumirecho ako sa sofa na hinihigaan ni Abnoy, "hoy! Alam kong gising ka! Alis na tayo!" tsaka ko hinila kamay ni Abnoy na nakapaibabaw sa unan na nakatakip sa mukha niya.

"Angelique, saan ka pupunta?!" tanong ni ate na kakalabas lang ng kusina.

"Wala ate, hahanap lang ako ng ibang magulang!" hila-hila ko na si Abnoy dito sa may pintuan.

"Angelique! Dare to leave." May kasamang pagbabanta ni mommy.

"Tss." Ni hindi ko nilingon si mommy.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now