XXXVIII

10K 394 11
                                    

Cassandra's P.O.V

Kanina pa ako hindi mapakali kakapindot dito sa cellphone ko. Huhuhu! Kainis naman kasi! Sa dami ng pagpapatulungan ni Galaxy ako pa talaga! Paano ko dadalhin sa mall 'yon eh allergic sa tao 'yon? Lord, help me please!

Kanina pa akong 8a.m nakabihis pero hanggang ngayon 'di ko pa nasasabi kay Booey.. I mean paano ko siya dadalhin sa mall. Magdahilan na lang kaya ako kay Galaxy? Tama. Tama. Sabihin ko may sakit ako! Hehehe!

Hi! Good morning po. Pasensya na po, hindi ko madadala si Booey sa mall.... May sakit po kasi ako ngayon e.

Tsaka ko sinend kay Galaxy. Hehehe!

Humilata ako sa kama. Mga ilang minuto biglang tumunog phone ko. Nagreply si Galaxy.

Don't make excuses. :) You have two hours.

Waaaaaaaaaaaah! Paano naman niya nalaman na nag-eexcuse lang ako?! Huhuhuhu!

Paano 'to? Waaaaaaah! Mommyyyyyy!~

Pagtapos kong mag-ngangawa, tinawagan ko na si Booey.

[Where are you?]

Ni hindi pa ako napag-hello. "Bahay. Why?"

[Pumunta ka dito sa bahay. Take me somewhere. You have 30 minutes.]

Tsaka niya inend 'yong call.

Abot-abot ang ngiti ko ng sabihin ni Booey 'yon. Di na pala kailangang mamilit e. Thank you, Lord! Mahal niyo talaga ako! Hehehehe!

*******

WHERE THE F ARE YOU?! sigaw ni Booey sa kabilang linya

"Grabe ka naman beh! Seryoso ka talaga sa 30 mins? Jusko! Buti sana kung malapit lang bahay ko sa bahay niyo! 30 mins kaya mahigit byahe papunta dyan! Pasalamat ka nga beh at nakaligo na'ko kanina at walang traffic. 10 mins andyan nako." Litanya ko. Grabe naman kasi toyo ng babaeng 'to.

"Tss. Bilis." tsaka niya in-end 'yong call.

Pagkadating ko sa bahay nila, nakita ko mommy niya na nakahiga sa duyan sa harap ng main door kasama si Nikoy.

"Good morning, tita. Where's Angelique po?" tsaka ako lumapit sa kanya at humalik sa pisngi

"She's in her room. Go upstairs nalang iha at mukhang may sayad nanaman 'yong anak ko." pareho kaming natawa ni tita sa sinabi niya.

Nadaanan ko sa living room 'yong daddy niya kasama 'yong magulang ni Paulette na nanonood ng t.v.. Nag-hi lang ako pagkadaan ko. Tsaka ako dumirecho sa kwarto ni Booey.

Kumatok ako.

Mga ilang segundo, lumabas siya sa kwarto at mukhang nagmamadali.

"Tara." tsaka siya nagsimulang naglakad.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon